^

PSN Showbiz

Marian, aprubado ang ginawa ni Zeinab!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marian, aprubado ang ginawa ni Zeinab!
Zeinab Harake

Ang bongga naman ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na kahit anong gawin ay talagang nagte-trending at ginagaya ng ibang content creator.

Isa na nga roon ay ang content creator din na si Zeinab Harake na ginawa ang latest makeup transformation video kung saan nag-transform siya sa iconic role ng misis ni Dingdong Dantes na Marimar.

Ibinahagi niya ang video kung saan ipinakita niya ang kanyang bare face at suot din ang isang floral dress hanggang sa nag-transform na siya bilang Marimar.

At para kumpleto ang pagiging Marimar ay mayroon din siyang kasamang golden retriever na kamukha ni Pulgoso na karakter ng aso sa serye noon.

Noon pa man ay sinasabi na talaga ni Zeinab na idol na idol niya ang My Guardian Alien actress.

“Marimar trend. Palagi kang magiging inspirasyon My idol @marianrivera,” caption niya sa kanyang ipinost na video.

Nag-react naman ang Primetime Queen sa video niya at nagkomento ng heart-eyed emojis na tila aprubado ang paggaya nito sa kanya.

Nagustuhan naman ng mga tagahanga at kaibigan ni Zeinab ang kanyang in-upload at bagay na bagay raw sa kanyang gumanap na Marimar.

Laking gulat nila at hindi nila inasahan na gagawin nito at pasabog daw talaga ito.

Maaalala namang ginawa ng Rewind actress ang Asoka makeup trend kamakailan kung saan siya nag-transform sa pagiging Marimar at ayon nga sa netizens ay wala talaga siyang kupas. Pasado pa rin siyang Marimar kung sakaling i-remake pa rin niya ito.

vuukle comment

ZEINAB HARAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with