^

PSN Showbiz

Show ni Goma very promising

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Si Richard Gomez ang host ng bagong game show ng TV5, ang Quiet Please, Bawal ang Maingay.

Very promising ang game show ni Richard dahil kakaiba ito. Matatalo ang mga contestant sa task na ibinigay sa kanila kapag nag-ingay sila at ang studio audience.

 Kahapon ang press launch ng Quiet Please at ang mga reporter ang naglaro para may idea sila sa concept ng show.

Totoo ang tsismis dahil natalo ang ibang mga contestant nang mag-ingay ang mga nanonood.

Masuwerte ang mga nanalo dahil umiral ang generosity ni Richard na nagbigay ng additional prize na P30,000. Nakakapanibago si Richard ‘ha?

Bagay  kay Richard ang maging host ng isang game show dahil lumilitaw ang pagiging natural comedian niya. Tawang-tawa ang mga reporter sa kanyang mga unscripted spiel na kusa na lang lumabas mula sa bibig niya.

Bahay nina Ogie at Regine hindi pa matapos-tapos

Hindi pa tapos ang renovation ng bahay nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa Ayala Hillside Estates.

Matagal talaga kapag nagpa-renovate ng bahay as in mas madali pa ang magpatayo ng bagong bahay.

Habang inaayos ang kanilang bahay, nagrenta muna ang mag-asawa ng bahay na hindi kalayuan sa tinitirhan nila.

Nagpa-renovate ng bahay sina Ogie at Regine dahil lumalaki na ang kanilang anak na si Nate.

Nakabibilib na bata si Nate dahil sa edad na tatlo, marunong na siya na magbasa. Pumapasok na nga si Nate sa school para magkaroon siya ng kalaro at mga bagong kaibigan.

Sina Ogie at Regine ang personal na naghatid sa kanilang unico hijo sa school. Mula sa school ni Nate kahapon, dumiretso si Ogie sa presscon ng Throwback Thursday, ang birthday concert niya sa Music Museum sa August 28.

Isang gabi lang ang birthday concert ni Ogie dahil masyadong hectic ang kanyang schedule.

Hindi naman puwede na maging two-night ang kanyang Throwback Thursday concert dahil Biyernes na kinabukasan.

May nag-suggest na gawin na Flashback Friday ang title ng second night ng concert ni Ogie pero nangangahulugan ‘yon ng additional gastos dahil Throwback Thursday ang nakalagay na pamagat sa mga poster at tickets.

Masarap na maging tatay si Ogie dahil understanding father siya.

Si Ogie ang nag-console sa kanyang anak na si Leila nang makipaghiwalay ito sa Australian boyfriend niya.

Naranasan ni Ogie na maging teenager kaya naiintindihan niya ang pinagdaraanan ng panganay nila ni Michelle Van Eimeren.

Iniyakan ni Leila ang hiwalayan portion nila ng kanyang boyfriend at naging supportive papa si Ogie.

Ikinuwento ni Ogie na kausap niya sa telepono si Leila noong Linggo. Naka-recover na raw ang kanyang anak sa heartaches dahil hindi na ito apektado sa nangyari sa love life niya. Parang nagsisisi pa yata si Leila dahil pinag-aksayahan niya ng oras at luha ang kanyang ex-dyowa.

Ipinagmamalaki ni Ogie ang dalawang anak nila ni Michelle.

Mahusay daw magsulat si Leila ng mga nobela at magaling na negosyante si Sarah.

Pangarap ni Sarah na maging successful businesswoman at may offer si Papa Ricky Lo kay Leila na magsulat ito sa Philippine Star.

Minana ni Leila ang husay ni Ogie sa pagsusulat. Ang pagkakaiba lang, nobela ang forte niya at mahusay naman sa pagsusulat ng kanta ang kanyang ama.

Magaling na negosyante si Michelle at mukhang ‘yon ang namana sa kanya ng youngest daughter nila ni Ogie

 

vuukle comment

AYALA HILLSIDE ESTATES

DAHIL

KANYANG

LEILA

NATE

NIYA

OGIE

QUIET PLEASE

THROWBACK THURSDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with