^

PSN Showbiz

Aktres malakas mag-cocaine kaya inayawan ng karelasyon

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang lakas daw palang mag-cocaine ang aktres na kakahiwalay lang sa asawa. Actually, ito raw ang na­ging rason kaya sila naghiwalay ng kanyang mister.

Madalas daw ito sa bar at doon tumitira ng cocaine kasama ang mga kaibigan. Ang sabi pa nga ng source, dahil nga madalas na may karga, kung kani-kanino na raw itong lalaki sumasama. Yes, cocaine lang daw ang katapat nito at boom puwede mo nang i-take out.

Ngayong hiwalay na sa asawa, mas libre na itong ‘magwala’ kasama ang mga sosyal-sosyalan na kaibigan.

 Stalker ni JasminE nadiskubre na? 

Malalaman na ang katauhan sa likod ni Maskara ngayong Linggo sa finale ng love mystery drama series ng TV5 na JASMINE.

Matapos ang karumal-dumal na pagpatay at pananakit sa mga inosenteng mahal sa buhay ni Jasmine, lalo na ang panlilinlang na humantong sa pagkakabaril at pagkamatay ng personal assistant ni Jasmine na si Carly (Justine Peña), madidiskubre ng dating pulis na si Julius Jacinto (Robin Padilla) at ni Jasmine ang kwento ni Maskara. Siya pala ay si Paolo Marasigan, anak sa pagka-dalaga ng isang beauty queen/rising star na nawalan ng career. Noong bata pa ito, siya ang sinisisi ng kanyang ina sa mga naging kamalasan nito sa buhay na humahantong sa pang-aabuso sa bata. Lumaki si Paolo at nagpalit ng pagkatao sa parehong taon na nagsimula si Jasmine ng kanyang karera sa TV5. 

Samantala, kahit binarikadahan ng mga pulisya ang TV5 Media Center sa Reliance upang mahuli ang stalker ni Jasmine ay mailap pa rin ito sa mga pwersa ng batas kaya naman mas tumitindi ang mga ebidensyang malapit si Maskara kay Jasmine.  

Maging ang TV5 Princess na si Jasmine Curtis Smith na bida sa JASMINE ay nagulat ng malaman kung sino si Maskara. “Hindi ako talaga makapaniwala kung paanong naloko niya lahat sila”. Nang matanong sa kanyang mga paunang hula kung sino ang stalker, sagot ni Jasmine “Pwede kasing si Miguel (Gerard Sison) dahil sobra siyang obsessed sa kanya.” Pero matapos ang attempted rape at ang pagpapakamatay ng binata, maging siya ay nalito kung sino ba talaga ang stalker.

Siya kaya si Alexis Vergara (Vin Abrenica), on-screen partner ni Jasmine na umaming may matinding nararamdaman para sa dalaga? O siya kaya ang blogger-turned-Showbiz Police host na si Wendell Bautista (Alwyn Uytingco) na kadalasan ay mala-stalker ang pag-kuha ng mga latest tsismis tungkol sa mga artista?

Makakatakas kaya si Jasmine sa kasamaan ni Maskara? O tuluyan na siyang papahirapan ng kanyang stalker? Sino ang mananaig sa dalawa?

Tutukan ang kapanapanabik na pagtatapos ng JASMINE ngayong Linggo, 5 p.m. (at replay pagsapit ng 10 p.m.) sa TV5!  

                                                             

vuukle comment

ALEXIS VERGARA

ALWYN UYTINGCO

GERARD SISON

JASMINE

JASMINE CURTIS SMITH

JULIUS JACINTO

MASKARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with