^

PSN Showbiz

Aktres kinalasan na ang Amerikanong asawa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kumpirmado ang balita na hiwalay na sa kanyang rich American husband ang aktres dahil hindi na nito matagalan ang pagiging dominante ng asawa niya.

Nawindang ang mundo ng rich American husband dahil hindi niya inaasahan na magkakaroon ang aktres ng lakas ng loob na iwanan siya.

Nagkamali si American husband na masyadong nag-under estimate sa kakayahan ng misis niya.

Ang akala ni American husband, simpleng tampuhan lang ang nangyari at babalik din sa bahay nila ang aktres. Bumaligtad ang mundo ng mhin dahil hindi na umuwi ang misis niya sa kanilang bahay.

Sa tulong ng mga kaibigan, nakahanap ang aktres na bahay na malilipatan. Dahil likas na matiyaga at masipag, nakahanap ang aktres ng stable job kaya nagtuluy-tuloy na ang pakikipaghiwalay niya sa kanyang asawa.

Alam ng American husband na ang pakikipag-divorce sa kanya ang next step ng aktres pero hoping against hope siya na magbabago ang isip ni misis. Hanggang ngayon, waiting pa rin ang pobreng American husband sa pagbabalik ng aktres sa kanilang lovenest. Naghihintay siya sa wala dahil ayaw na ng aktres na balikan ang malungkot na buhay.

Wala raw siyang ipinagkaiba sa ibon na nakakulong sa hawla dahil ang future ex-husband niya ang nagdidikta ng kanyang mga dapat gawin.

Enjoy na enjoy na ang aktres sa kanyag new found freedom kaya hinding-hindi na niya babalikan ang dominante at diktador na asawa.

Zion lalabas na

“My life”  ang tawag ni Richard Gutierrez sa kanyang girlfriend na si Sarah Lahbati at sa anak nila na si Zion.

Unti-unti nang inilalabas nina Richard at Sarah ang mga litrato ng kanilang anak pero hindi nila ipinakikita ang mukha ng bagets. Karga ni Sarah si Zion pero nakatalikod ito ang isa sa mga litrato na nakita ko.

‘Yung isang picture naman, kamay lang ng bata ang ipinatikim ni Sarah sa mga follower niya sa Twitter at Instagram. Lalabas na bukas sa mga magazine stand ang entertainment magazine na inaaba­ngan ng fans nina Richard at Sarah dahil ang dalawa at ang kanilang anak na si Zion ang nakalagay sa cover.

Mababasa sa magazine ang love story nina Richard at Sarah, pati na ang pagbubuntis at pa­nganganak ng young actress.

Sen. Bong may bombang sasabihin

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago, magsasalita bukas si Senator Bong Revilla sa senado tungkol sa plunder case na isinampa ng Ombudsman laban sa kanila nina Senator Jinggoy Estrada at Senator Juan Ponce Enrile.

Ito ang pangalawang beses na privilege speech ni Bong sa senado. Noong January 20, 2014 ang unang privilege speech ni Bong tungkol sa pork barrel scam na ibinibintang sa kanya.

Pinabulaanan noon ni Bong ang mga akusasyon laban sa kanya. Marami ang humanga sa kanyang palaban na privilege speech at kung matutuloy bukas ang pagsasalita niya, siguradong mas matindi ang mga ipagtatapat ni Bong sa publiko.

Andre target ni Thea

Mayaman na bagets ang role ni Andre Paras sa The Half Sisters kaya siya ang tina-target ni Thea Tolentino na gustong-gusto ang kontrabida role niya sa afternoon teleserye ng GMA 7 na mapapanood na simula bukas, June 9.

Sa totoong buhay, aliw na aliw si Thea kay Andre dahil mabait ito at madaling pakisamahan. Parehong walang karelasyon ang dalawa dahil 17 years-old pa lamang si Thea at 18 years-old naman si Andre.

Napa-smile lang si Thea sa mga biro na baka si Andre ang maging first boyfriend  niya dahil sa madalas na pagkikita nila sa set ng The Half Sisters.

 

vuukle comment

AKTRES

ANDRE PARAS

DAHIL

HALF SISTERS

HUSBAND

NIYA

NOONG JANUARY

THEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with