^

PSN Showbiz

Marian hindi namalayang dumating si Antoinette Taus, Ikaw Na ni Boy Abunda hinahanap pa rin sa Bandila

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN : “Kung may dumating man, hindi ko namalayan,” ang sagot ni Marian Rivera sa presscon ng Belo Medical Clinic noong Huwebes nang tanungin siya tungkol sa pagbabalik-bansa ni Antoinette Taus, ang ex-girlfriend ni Dingdong Dantes na gusto uling magka-career.

Si Marian ang celebrity endorser ng Light Hair Removal at Venus Freeze ng Belo Medical Clinic.

SEEN: Nami-miss ng televiewers ang Ikaw Na! segment ni Boy Abunda sa Bandila. 

 Hindi na kumpleto ang panonood nila ng Bandila mula nang alisin ang Ikaw Na! at ilipat si Boy sa Abunda and Aquino Tonight.

SCENE: Araw-araw ang taping ng Dyesebel dahil naubos na ang pondo ng mga episode ng top-rating primetime series ng ABS-CBN.

SEEN : Bukod sa showbiz, may build-and-sell house business si Zoren Legaspi na may tax evasion case sa BIR.  

SEEN :  Ang plano ni Senator Chiz Escudero na pakasalan ang girlfriend na si Heart Evangelista.

Isang beach wedding sa Balesin Island sa susunod na taon ang balak nina Senator Chiz at Heart.

SCENE : Dapat lang na iyakan ni Phoe­mela Baranda ang kanyang mga pag­ku­kulang bilang ina ni Nichole, ang PBB All In housemate na itinago niya nang ma­tagal sa publiko.

Pinaniwala ni Phoemela na magkapatid sila ni Nichole habang lumalaki at nagkakaisip ito.

SEEN : Ang Search for Miss Manila 2014 ng Manila City Hall na magiging bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Maynila sa June 24.

Puwedeng makipag-ugnayan sa ka­nilang mga barangay chairman at Miss Manila Secretariat ang mga Manileña na gustong sumali sa Miss Manila 2014.

Si former First Lady Imelda Romualdez ang pinakasikat at kontrobersyal na kandidata ng  Miss Manila noong 1950

vuukle comment

ABUNDA AND AQUINO TONIGHT

ALL IN

ANG SEARCH

ANTOINETTE TAUS

ARAW

BELO MEDICAL CLINIC

IKAW NA

MISS MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with