^

PSN Showbiz

Paintings ni Heart, sold out sa opening night Mayor Bistek bumili pambigay kay Kris?

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Bumili pala ng painting ni Heart Evangelista si Quezon City Mayor Herbert Bautista.  Nagtatanu­ngan ang mga reporter, ibigay daw kaya ni Herbert kay Kris Aquino ang painting?

Hindi pareho ng edad sina Kris at Heart pero magka-birthday sila. February 14 ang birthday ni Heart at ganoon din si Kris. Kung pulitiko ang boyfriend ni Heart, pulitiko rin ang boyfriend ni Kris pero ‘yon eh kung tuloy pa rin ang love affair nila ni Herbert.

Baguhan na painter si Heart at dahil may name, may presyo na ang kanyang mga likha.

Hindi na ako nagulat nang malaman ko na libu-libo ang presyo ng pain­tings ni Heart na naka-display sa Artist Space ng Ayala Museum mula pa noong Huwebes.

Sold out na ang lahat ng paintings kaya masa­yang-masaya si Heart. Nabawi ang stress na nararamdaman niya at ang takot na baka walang umapir sa opening night ng kanyang art exhibit.

Magkikita kami bukas ni Heart. Maglalambing ako sa kanya na igawa niya ako nang painting na haharbatin ko sa kanya. Kung gumawa siya nang painting para kina Alessandra de Rossi at Lovi Poe, kailangang igawa rin niya ako dahil ‘di hamak na mas magandang pakinggan sa tenga ang pa­ngalan ko na Lolita.

Inabangan ng mga reporter ang pagdating ng mga magulang ni Heart sa opening night ng art exhibit pero bigo sila.

Hanggang makaalis ang mga reporter, hindi nila nasilayan ang mga magulang ni Heart na hindi boto sa relasyon ng kanilang anak kay Papa Chiz.

Umasa rin ang mga reporter sa pagdating nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na inimbitahan ni Heart.

No-show din sina Marian at Dingdong. Ang alam ko, may mall tour si Dingdong sa isang mala­yong pro­binsya at may previous commitment din si Ma­rian na nakausap ng entertainment writers  sa presscon ng Belo Medical Clinic noong Huwebes ng tanghali.

Marian walang oras sa negative

  Visible lately si Marian dahil sunud-sunod ang presscon para sa kanyang mga product endorsement.

Kuntentung-kuntento si Marian sa takbo ng kanyang showbiz career at pagdating ng mga product endorsement.

Ang bonggang takbo ng kanyang career ang dahilan kaya walang oras si Marian para sa mga negative na balita at mga kontrobersya na walang kakuwenta-kuwenta.

Rainier may asawa’t anak na

Hindi na maabot si Chef Boy Logro dahil talk show host na rin siya. Si Chef Boy ang co-host nina Donita Rose, Gladys Reyes, at Alessandra de Rossi sa Basta Everday Happy.

Sa totoo lang, wala akong idea sa concept ng Basta Everyday Happy kaya looking forward ako na mapanood sa Lunes ang pilot episode ng programa.

Basta ang alam ko, nagkasama-sama ang mga member ng Starstruck Batch 1 sa isang episode ng bagong morning talk show ng GMA 7. Nag-adjust ng schedule si Mark Herras para maka-join siya sa taping.

Siyempre, hindi nakarating sa taping si Cristine Reyes dahil may kontrata siya sa ABS-CBN at umapir si Rainier Castillo na matagal nang hindi nakikita ng publiko.

Ang sabi ni Mark, malaki ang tsansa na bumalik sa Kapuso Network ang kanyang bestfriend. Natuwa ang fans nina Yasmien Kurdi at Rainier dahil mu­ling nagsama ang dalawa sa Basta Everyday Happy.

Malalaman natin sa guesting ni Rainier ang mga nangyayari sa buhay niya. True ba na may asawa at anak siya?

vuukle comment

ALESSANDRA

ARTIST SPACE

AYALA MUSEUM

BASTA EVERDAY HAPPY

BASTA EVERYDAY HAPPY

BELO MEDICAL CLINIC

HEART

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with