^

PSN Showbiz

Yeng nag-yes na sa BF, engaged na!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Engaged na ang singer na si Yeng Constantino sa kasintahan nitong si Victor Asuncion na isa namang worship director sa isang Christian church sa Greenhills, San Juan City.

Noong Sabado ng hapon ay nag-post si Yeng sa kanyang Instagram account ng larawan ng kanilang mga kamay na magkahawak. Nakasuot ng diamond ring ang dalaga at may caption itong “I said Yes.” Si Victor ang kauna-unahang kasintahan ng singer at naging opisyal na magkarelasyon noong June 18, 2013. 

Coco at Julia close na ang pami-pamilya

Naging malapit si Coco Martin kay Julia Montes dahil mayroong mga pagkakahawig ang kanilang mga personal na buhay.

“Halos pareho kami ng naging buhay eh. Halos kami’ yung tumatayong pad­re de pamilya. Kami ’yung nagtatrabaho sa pamilya namin, then lumaki rin siya sa lola. Kumbaga, may mga similarity kami sa buhay kaya nakikita ko sa kanya ’yung sarili ko. Para siya ’yung babae na version ko,” bungad ni Coco.

Hindi raw totoong may espesyal nang nama­magitan sa dalawa katulad ng mga naglalabasang balita.

“I’m sure na nakikita ng mga tao is chemistry. Kumbaga, siguro after ng Walang Hanggan, ’tapos A Moment in Time, may movie kami, ’tapos nagkasama ulit kami ngayon. Sabi ko nga, siguro ’pag nakikita ng ibang tao, nakikita nila kung paano ko inaalagaan or gina-guide si Julia. Siyempre ’di naman nila alam kung ano kami ’pag walang camera bilang magkaibigan,” paliwanag ng aktor.

Malapit na rin daw ang mga pamilya nina Coco at Julia sa isa’t isa.

“Kasi mahaba na ang pagsasama na rin talaga, sabi ko nga before ‘Walang Hanggan’ pa magkasama na kami ni Julia. Magkakilala na kami, kahit kami ni lola parang pamilya na,” giit ni Coco.

Enchong hindi kayang magpaka-manhid sa iba’t ibang paninira

Hindi talaga nawawalan ng online bashers sa iba’t ibang social networking sites lalo na sa ilang mga artista na talagang mainit sa mata ng publiko. Nauunawaan naman daw ito ni Enchong Dee na nakararanas din kung minsan ng ganito.

“In this day and age, we can always be or will always be strong. But always remember, at the end of the day, we’re just like you,” pahayag ni Enchong.

Ayon sa binata, ordinaryong mga tao rin ang artistang kagaya niya kaya dapat maging maingat ang mga tao sa kanilang mga komento sa kapwa.

“Kapag ikaw sinabihan ka na mayabang or ’pag sinabihan ka na wala kang kuwentang tao, masasaktan ka rin ’di ba? We’re not dolls, or we’re not stuffed toys, na kahit ano’ng sabihin mo kaya naming maging manhid,” giit ng aktor.

Samantala, nakatakdang gumawa ng isang pelikula ni Enchong kung saan makakatambal niya si Erich Gonzales, ang Once a Princess. Isang bagong teleserye rin ang pinaghahandaan na ng aktor ngayon. Malaki ang pasa­salamat ng binata sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanya at sa lahat ng kanyang mga ginagawa.

“I love my fans. Nagkaroon ako ng awakening na you have to be one hundred percent to your fans all the time kasi hindi mo alam kung gaano ka-powerful ’yung naibibigay mo sa kanilang inspiration in whatever they are going through,” pagbabahagi pa niya.

Maaaring mabasa ang buong panayam kay Enchong sa March issue ng Star Studio Magazine. Reports from JAMES C. CANTOS   

               

vuukle comment

A MOMENT

COCO MARTIN

ENCHONG

ENCHONG DEE

JULIA

KAMI

WALANG HANGGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with