^

PSN Showbiz

John ayaw halikan si Isabel sa TV!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Katulad ng nauuso ngayon sa TV, sa show mismo na ginagawa nila ipinagdiriwang ng mga artista na kasali sa programa na nilalabasan nila ang mga kaarawan nila.

Nung una, ayaw pumayag ni John Prats na mag-birthday sa Banana Split at Banana Night pero napilitan din siya. Magiging killjoy lang siya. Pero kahit nag-celebrate siya sa araw ng taping ng dalawang gag shows na idinidirek ni Edgar “Bobot” Mortiz, pumayag pa rin itong maiere ang kanyang selebrasyon na dinaluhan ng kanyang pinakamamahal na si Isa­bel Oli. Ang ikinagulat niya ay ang paglabas ng aktres sa unang bahagi ng programa. Dapat ay may song number si John kasama ang iba pang cast ng show pero si Isabel ang lumabas mula sa backstage at sinamahan siya sa pagkanta ng It Might Be You. Siyempre, nandun ang ordinaryong beso-beso. Pero nang hilingan silang mag-kiss ay tumanggi si John at sinabing ibalato na sa kanya ’yung moment. Obviously ilang ito sa mga tao sa paligid.

Bukod sa nilinaw niya na hindi sa kanila ’yung mga billboard poster sa mga kalsada na nagsa­saad ng “Olivia, will you marry me?” dahil napakamahal daw nun, ina­min ni John na si Isabel lamang ang tanging babae na nagpapasaya ng kanyang buhay.

 

vuukle comment

BANANA NIGHT

BANANA SPLIT

BOBOT

BUKOD

DAPAT

IT MIGHT BE YOU

JOHN PRATS

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with