^

PSN Showbiz

Denise Laurel napapagkamalang nagrereklamo ng rape

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Naha-hurt daw si De­nise Laurel kapag napagkakamalan siyang Deniece Cornejo. Can we blame her, lalo’t ang daming nagba-bash sa kanya sa Internet dahil akala nila ay siya ‘yung babaeng nag-imbita kay Vhong Navarro sa condo nito?

Pero dapat hindi na mabahala ni Denise dahil ilan lamang ba ang magkakamali sa kanila ni Ms. Cornejo? Lalo’t umaalma na siya at nagsasabi na magkaiba silang tao ni Ms, Cornejo.

Jake balak gawan ng movie with Nora Aunor

Baka ang paglabas sa isang pelikula na kasama ang Superstar na si Nora Aunor ang magsilbing isang highlight sa career ng alaga kong si Jake Vargas. Yes may balak ang isang producer na gawan ng pelikula ang dalawa dahil  feel nila ay malaki na ang in inimprove  ng acting ni Jake at puwede na itong makipagsabayan sa acting ni Nora.

Syempre, elated ko. At hindi tututol dito si Nora, nasubaybayan na rin niya ang career ni Jake at natutuwa siya na may alaga ako na maaring maging isang malaking pangalan sa hinaharap. Dalangin ko lang ay matuloy ang pagsasama nila.

Pagpapagamot ni Claudine makabubuti sa kanyang trabaho

Totoo bang wala sa bansa si Claudine Barretto at nagpapagamot sa ibang bansa? Kung sakali, mabuti at sana pagbabalik niya ay magaling na siya at madali nang mabalikan ang kanyang pag-aartista. Sayang naman kung mabuburo lang ang talent niya sa pag-arte. Marami pa siyang kikitain dito na magbibigay sa kanya ng magandang bukas.

 

vuukle comment

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

JAKE VARGAS

MS. CORNEJO

NORA

NORA AUNOR

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with