^

PSN Showbiz

Sikat na aktor taga-pili ng lipstick ng kaibigang aktres

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

May nakapagbulong sa akin tungkol sa sikat na young actor na shopping buddy pala ng isang sikat na aktres din. Magkaibigan ang dalawa at magkasama sa mga lakaran lalo na kapag nagsya-shopping sila.

Minsan ay nakita ang dalawa sa isang shopping mall somewhere in Makati, sa isang cosmetics section. Aba, hindi ang aktres ang namimili ng kulay ng mga lipstick kundi ang aktor na napapabalita ring may pagkabaklita.

Ratsada sa paggawa ng pelikula at ’di nababakante sa mga teleserye ang dalawa na alaga ng isang network.

Kim agresibo na at sobrang kikay

Magaling na director si Mae Czarina Cruz dahil ang pinakahuling pelikula nito sa Star Cinema ay smash hit noong 2013 na She’s the One. Ngayong 2014 ay isang pasabog na naman ang handog ng kumpanya sa ipapalabas na Bride for Rent, ang bagong pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim.

Gaya nang inaasahan, wala pa ring inaamin ang aktres tungkol sa kanilang dalawa ni Xian, basta’t ang sinasabi lang ay very close sila bilang magkaibigan at laging nand’yan ang aktor sa kanyang tabi. Lagi raw itong nag-e-effort para mapalapit lalo sa kanyang pamilya at katunayan ay textmate nito ang mga kapa­tid ni Kim kahit pa ang ama nito.

Sa kabilang banda, nag-enjoy si Kim sa role bilang si Rocky sa rom-com film.

“Sobra ang pagka-kikay ko rito, isang komedyante to the highest level. Agresibo ang karakter ko at habol nang habol sa lalaki,” sabi niya.

Palabas na ang Bride for Rent sa mga sinehan nationwide simula Jan. 15.

Direktor puring-puri ang mga Bumbay

Hindi nahirapan si Direk Benito Bautista na magsyuting ng Mumbai Love sa India dahil para sa kanya ay mababait ang mga tinatawag nating Bumbay, matatalino, at palakaibigan.

Modern love story ang Mumbai Love dahil sa panahon ngayon ay may mga tsansang mag-travel sa abroad ang mga kabataang lalaki at sa ibang bansa ay puwede nitong ma-meet ang babaeng mamahalin at kahit magkaiba ang kultura ay puwede silang ma-in love sa isa’t isa.

Palabas na ang Mumbai Love sa Jan. 22 mula sa Capestone Pictures, Inc.

vuukle comment

BUMBAY

CAPESTONE PICTURES

DIREK BENITO BAUTISTA

JAN

KIM CHIU

MAE CZARINA CRUZ

MUMBAI LOVE

PALABAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with