^

PSN Showbiz

Cristalle pinagtatawanan lang ang kanila ni Derek

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Isang buwan lamang nagtagal ang relasyon nina Derek Ramsay at Cristine Reyes at ayon sa dalawa ay magkaibigan naman sila kahit nagkahiwalay na. Ngayon ay ang anak ni Dr. Vicki Belo na si Cristalle Henares naman ang sinasabing bagong karelasyon diumano ng aktor. Agad namang nilinaw ni Cristalle kung ano talaga ang namamagitan sa kanila ni Derek.

“The good thing is noong time na nali-link kami ay single siya at saka ngayon ay single ulit siya. So, para sa amin, okay. Wala talagang apektado. So, okay lang. But of course, when he’s in a relationship, that’s when I’ll mind na parang sasabihin ko sa tao na huwag na talaga kasi we have to respect the relationship he has. Pero now pinagtatawanan lang namin,” nakangiting pahayag ni Cristalle.

“Right now, Derek and I are super friends. Nothing more than that, definitely. Just for the record, walang nangyayari sa amin ni Derek. We are very close and, you know, we have a lot of fun together,” giit ng dalaga.

Pinaplano raw ng dalawa na bumisita sa Bohol upang makatulong sa mga kababayan natin na naging biktima ng lindol doon kamakailan.  

Juday hindi pa rin natatanggalan ng kaba sa pagho-host

Masayang-masaya si Judy Ann Santos dahil naging matagumpay ang bago niyang show na Bet On Your Baby. Namamayagpag sa ratings ang nasabing palabas kaya malaki ang pasasalamat ng aktres sa mga tumatangkilik dito.

“Sobra akong thankful sa lahat ng nanood, sa lahat ng sumuporta kasi grabe ’yung kaba ko talaga. Siyempre hindi ko alam kung ano ang ie-expect ng mga tao sa akin since hindi naman ako host ng isang game show. Sobrang thankful talaga ako,” bungad ni Judy Ann.

Hanggang ngayon ay humihingi pa rin ng tips sa asawang si Ryan Agoncillo ang aktres upang maging isang magaling na TV host.

“Always naman kaming nagtutulungan. Basta relaxed lang daw ako, na hindi ko magawa-gawa. Pero sabi niya, maganda na kinakabahan pa ako kasi it means may takot pa ako sa performance ko,” kuwento niya.

Sa susunod na taon pa posibleng makagawa ng pelikula o isang bagong teleserye si Juday.

“Tapos na ako this year kasi hindi na rin naman na aabot kung sakali. Movies, may mga meeting na nagaganap, hopefully with Star Cinema pero I am not yet sure. Maraming, maraming exciting projects. Hindi pa lang mag-materialize kasi marami ring kino-consider na mga bagay. Ako naman I’m just waiting lang kung ano ang ibigay ng Diyos na tamang project for me sa tamang panahon. Ngayon, relax lang muna ako,” paliwanag ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

AKO

BET ON YOUR BABY

CRISTALLE

CRISTALLE HENARES

CRISTINE REYES

DEREK

DEREK AND I

DEREK RAMSAY

DR. VICKI BELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with