^

PSN Showbiz

Solenn mahina ang pang-amoy sa mga bading

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kung masusunod ang gusto ni director Alvin Yapan, sina Solenn Heussaff at Tom Rodriguez ang gusto niyang bida sa indie film niyang Gaydar na isasali niya sa Quezon City Film Festival. Kuwento ng babaing mahina ang pang-amoy sa mga bading ang movie at  puro bading ang nakakarelasyon ng karakter ni Solenn.

Sabi ni Direk Alvin, si Tom ang leading man ni Solenn, ibig sabihin hindi bading ang role ng aktor para maiba sa ginagampanan sa My Husband’s Lover.

Sa first o second week ng October sisimulan ni Direk Alvin ang shooting ng Gaydar. Ito ang isusunod niya sa Titser, ang original series ng GMA News TV na magpa-pilot na sa August 11, 7:15 p.m. Bagay sa kanya ang project dahil teacher at head pa ang director ng Pilipino Department ng Ateneo de Manila University.

Rayver nire-request sa serye ng GMA

Nagbabalik si Rodjun Cruz sa My Husband’s Lover sa role ni Martin na ma-i-involve sa karakter ni Dennis Trillo. Mga intrigera ang viewers dahil mas exciting daw kung ang kapatid ni Rodjun na si Rayver Cruz ang pumasok sa bekiserye dahil pareho silang ex ni Cristine Reyes.

Oo nga ano, doble ang excitement kung si Rayver ang magiging BF ni Dennis,­ kaya lang may kontrata sa ABS-CBN si Rayver. Kung nangyari ‘yun, mas sisipagin siguro si Cristine na panoorin ang bekiserye.

Mga bakla inaabangan ang mga mapipiling TOP 10 sa Cosmo Bachelors

May nakita kaming taga-Summit Media, publisher ng Cosmopolitan magazine at tinanong namin kung totoong si Alden Richards in a sexy pose ang back cover ng supplement ng Cosmopolitan Philippines magazine na inilalabas in time for the yearly Cosmopolitan Bachelor Bash na ginagawa every September.

May nagtsika kasing ang bida ng Mundo Mo’y Magunaw ang nasa back cover ng Cosmo Men. Sagot ang aming tinanong, nababago pa ang line up, pero napansin naming hindi itinanggi ang pagpi-feature kay Alden sa back cover.

Next naming tanong ay kung totoong sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez ang cover ng supplement, pero ganun pa rin ang sagot sa amin, nababago ang line up, kaya hindi niya kami masagot.

Bukod sa cover at back cover ng supplement, ang nasa centerfold ng magazine ang inaabangan ng mga babae at mga beki. Naghuhulaan din kung sino ang pumasok sa Top 10 at mga nakasama sa 69 Bachelors.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALVIN YAPAN

COSMO BACHELORS

COSMO MEN

COSMOPOLITAN BACHELOR BASH

DENNIS TRILLO

DIREK ALVIN

MY HUSBAND

RAYVER

TOM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with