^

PSN Showbiz

Dingdong gusto nang pakasal, naghihintay na lang ng sagot ni Marian!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Ready na pala si Dingdong Dantes na mag-asawa. Ramdam daw nito na si Marian Rivera na nga ang para sa kanya. Ang kaso, hindi pa raw ready si Marian kaya matatagalan pa raw siguro bago magkaroon ng kasalan ang dalawa.

Marami nang pinagkukuwentuhan si Dingdong tungkol sa kanyang plano sa kanila ni Marian.

Kaya nang minsang maabutan namin si Marian sa Bambbi Fuentes Salon (located at 98 Timog Ave. cor. Sct. Ybardolaza Quezon City), tinanong namin si Marian.

At totoo, hindi pa raw siya ready na maging misis as of now. 

“Papunta pa rin naman doon pero siguro nga hindi pa nga­yon. Alam naman niya ‘yun,” sabi ng aktres na any moment ay mag-uumpisa na ring mag-taping para sa isang serye for GMA7 kaya parang hindi naman totoong lilipat siya ng TV5. 

So go signal na lang pala ni Marian ang hinihintay ni Dingdong.

Anyway, ang Star Cinema ang magre-release ng pelikula nila ni AiAi delas Alas na Kung Fu Diva kaya hindi nakakataka kung magpo-promote siya sa ABS-CBN shows particularly The Buzz dahil director nila sa pelikula ang director din sa The Buzz na si Onat Diaz.

Sarah nag-e-enjoy sa bakasyon, dedma sa pagpapakansela ng kanyang piyansa

Hindi apektado si Sarah Lahbati sa motion na inihain ni Atty. Anette Abrogar para mapawalang bisa ang piyansa na ibinayad niya (Sarah) matapos siyang umalis ng bansa. Sa mga photos na ina-upload niya sa Instagram account, masaya si Sarah na kasamang namamasyal si Richard Gutierrez. Nasa Amerika ang dalawa kasama ang mga anak ni Ruffa na sina Lorin and Venice.

Ang katuwiran siguro ni Sarah may mga abogado naman siyang mag-aasikaso sa bansa so bakit nila kailangan sirain ang bakasyon nila ni Richard.

Maalalang umalis si Sarah last July 16 papuntang LA four days after siyang magbayad ng bail sa libel case na isinampa ng bossing ng GMA 7.

Eh nakasaad daw sa Section 23 of the Rules of Criminal Procedure na ang isang may kaso na nagpiyansa ay puwedeng arestuhin uli kahit pa walang warrant of arrest kung aalis ito ng bansa na walang paalam sa korte habang patuloy ang kaso – “an accused released on bail may be re-arrested without the necessity of a warrant if he attempts to depart from the Philippines without permission of the court where the case is pending.”

Pero iba siyempre pag in love.

Nikki relate na relate sa isyu ng third party!

Nagbibigay ng advice si Nikki Gil sa isang letter sender niya kanyang portion sa MYX Channel nang madaanan ko ang music channel kung saan isa siya sa mga VJ the other night.

Tungkol sa pang-iiwan ng boyfriend sa girlfriend ang issue na pinag-uusapan nila.

At parang mangiyak-ngiyak si Nikki habang nagbibigay ng payo. Pero ini-emphasize niya tuwing babanggitin na kung may third party sa relasyon hindi na advisable na mag-reconcile pa sila or something to that effect.

Though taped episode ‘yun pero parang relate na relate ang TV host-singer sa problema ng letter sender niya.

Kung sabagay ang bad nga naman ng timing.

So puwede kayang may third party sa kanila ni Billy na ang sinasabing rason ay nalimutan niya ang kanyang sarili nang matagal na panahon?

Speaking of Nikki, kung meron man daw magandang tanungin tungkol sa problema ni Billy, si Vhong Navarro daw. Kay Vhong daw kasi nangungumpisal si Billy sa mga naging problema nila ni Nikki.

Magkasama sila Billy and Vhong sa It’s Showtime.

vuukle comment

ANETTE ABROGAR

BAMBBI FUENTES SALON

BILLY AND VHONG

KAY VHONG

KUNG

KUNG FU DIVA

LORIN AND VENICE

NIKKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with