^

PSN Showbiz

Luis aligaga sa pagbabantay kay Jennylyn nang isugod sa hospital

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kinaiinggitan si Jennylyn Mercado ng mga ka­babaihan dahil nagbantay sa kanya ang boyfriend na si Luis Manzano nang ma-confine siya sa ospital noong Linggo.

Ang magkaroon ng boyfriend na kagaya ni Luis ang wish ng mga babae na inggit na inggit kay Jennylyn.

Shocked na shocked naman ang fans ni Jennylyn dahil sa confinement nito sa ospital. Napanood pa nila  ang performance ni Jennylyn sa Sunday All Stars noong Linggo pero makalipas ang ilang oras, naka-confine na siya sa ospital. Hindi yata kinaya ng powers ni Jennylyn ang muling pagbibigay-buhay niya sa kanyang karakter sa Super Twins.

Pagiging Vice Mayor ni Isko nagkaroon ng silbi

Happy ang mga supporter ni Manila City Vice Mayor Isko Moreno dahil may pakialam na siya sa pagpapaunlad at paglilinis ng Maynila.

Nagpapasalamat ang mga supporter ni Papa Isko kay Manila City Mayor Joseph Estrada dahil binigyan nito ng kapangyarihan ang kanyang bise na tulungan siya sa pagpapatupad ng mga batas.

Hindi raw gaya nang dati na Vice Mayor lang si Papa Isko sa salita, hindi sa gawa dahil hindi siya binigyan ng pagkakataon na patunayan ang kanyang husay sa public service. Ganyan ka-generous si Papa Erap sa kanyang mga kasamahan, sa public service, pulitika, at showbiz.

Anak nina Ogie at Regine showbiz na showbiz na agad

Nabalitaan ko na ang mag-inang Regine Velasquez at Nate ang guest kahapon sa The Ryzza Mae Show.

Nakalimutan daw ni Ryzza na siya ang host ng show dahil umiral ang kanyang pagiging bata as in naglaro sila nang naglaro ni Nate na mahilig kumanta at sumayaw kaya siguradong susundan niya ang yapak ng mga magulang.

Sanay na sanay na si Nate na humarap sa maraming tao at napatunayan ko ito sa presscon noon ng concert nina Regine, Ogie Alcasid, Martin NIevera at Pops Fernandez.

Ikot nang ikot ang bagets sa venue ng presscon. Hindi siya naiilang sa maraming tao at nag-e-enjoy ang bagets sa atensiyon sa kanya ng media members. Hindi puwedeng i-deny na balang-araw, papasok din sa showbiz ang anak nina Ogie at Regine.

Showbiz personality lihim na nakikipag-negotiate sa isang network

May lihim na negosasyon na nagaganap sa pagitan ng isang sikat na showbiz personality at sa management ng major TV network.

Kapag nagkasundo sa negosasyon ang showbiz personality at ang management, ang televiewers ang makikinabang nang husto.  Ang televiewers ang nagdarasal na magkasundo ang showbiz persona­lity at ang TV network management dahil maraming tao ang matutuwa at mabibigyan ng bagong pag-asa sa buhay.

‘May Pinoy saan mang sulok ng mundo’

Totoo ang kasabihan na may Pilipino sa bawat sulok ng mundo dahil nakilala namin si Gina Lat-Rousset, ang Pinay na nagmamay-ari ng kaisa-isang  Filipino restaurant sa Lourdes, France.

Asian Delices ang name ng Filipino restaurant na pag-aari ni Gina at  ng kanyang French husband na si Charlie.

Si Gina ang personal na nagluto ng napakasarap na pagkain na inihain niya sa amin nang mag-crave kami ng Pinoy food. Na-master na ni Gina ang pagluluto ng  adobo. Maraming salamat kay Gina at sa kanyang very accommodating na dyowa.

vuukle comment

ASIAN DELICES

DAHIL

GINA

JENNYLYN

NATE

PAPA ISKO

SHOWBIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with