^

PSN Showbiz

Aktor nag-file na ng annulment sa aktres na idini-display na ang karelasyon

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Si Tom Rodriguez ang pinaka-excited sa My Husband’s Lover na magsisimula na mamayang gabi sa GMA Telebabad. Malaki ang pasasalamat ng aktor sa mainit na pagtanggap sa kanya at big star ang trato sa kanya sa pagiging Kapuso.

Lalong na-challenge si Tom dahil first time rin niyang gagampanan ang role ng isang bakla na may dyowang girl at kapwa bading.

Sabi nga ni Tom, lalo niyang napag-aralan ang buhay ng isang bading at lumaki ang respeto niya sa mga ito.

Hindi rin isinara ni Tom ang posibilidad na maging close at maaaring makarelasyon ang isang bading dahil agree rin siya sa sinabi ni Direk Dominic Zapata na “love knows no gender.”

PAK: Maingat pa rin si Bianca King sa paglalahad ng dahilan ng breakup nila ni Dennis Trillo.

Natatawa lang siya dahil sa ganda niyang ’yun siya raw ang madalas na bini-break ng boyfriend.

Sabi ni Bianca, mas mabuting tikom na lang ang bibig niya kung wala naman siyang magandang sasabihin.

Pero may mga isinulat si Bianca na ilalabas sa isang magazine dahil doon sa mga isinulat niya malalaman ang buong katotohanan ng breakup nila ni Dennis.

Nasa Amerika naman si Dennis kaya hindi niya masasagot ang mga sinabi ni Bianca.

Ayaw na sanang magsalita pa ng aktres pero napilitan din ito dahil visible siya ngayon para sa promo ng Maghihintay Pa Rin na magsisimula na rin ngayong araw sa GMA afternoon drama.

BOOM: Isa sa mga araw na ito ay lalabas din ang balitang annulment ng isang showbiz couple na naging kontrobersiyal din ang kanilang paghihiwalay.

Si aktor ang nag-file ng annulment pero aniya ay wala naman talagang bisa ang kanilang kasal. Ayaw lang niyang ipaliwanag kung bakit dahil mas mabuting ang abogado na lang ang mag-explain.   

Ang pagkakaalam namin, aware si aktres sa ipa-file na annulment ng da­ting asawa at napagkasunduan na nila ito.

Lagi naman kasing nakikita sa Instagram kung sino na ngayon ang karelasyon ni aktres at mukhang masaya naman siya.

vuukle comment

AYAW

BIANCA

BIANCA KING

DENNIS TRILLO

DIREK DOMINIC ZAPATA

MAGHIHINTAY PA RIN

MY HUSBAND

NASA AMERIKA

SABI

SI TOM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with