^

PSN Showbiz

Away banggaan, sisiyasatin!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Uusisain ni Karen Davila ang pinagdaraanan ng mga taong nasasangkot sa away banggaan sa kalsada ngayong hapon sa Pinoy True Stories: Engkwentro.

Tulad na lamang ng aberyang naganap kina Leo at Edna, na kahit hindi man malala ay perwisyo at pagkakapahiya ang napala.

Isang araw, binabagtas ni Leo ang isang masikip na kalsada nang may biglang pumarang pasahero, dahilan upang itigil niya ang minamanehong tricycle. Nagkataon namang nasa likod niya ang motorsiklong inaangkasan ni Edna. Dahil sa paghinto ni Leo, nawalan ng balanse ang motorsiklo nila Edna at nabangga pa ng tricycle na nasa likod nila kaya’t nahulog sa kalsada si Edna, na noo’y nakapalda.

Sinugod ni Edna si Leo saka pinaghahampas, pinagmumura, at sinampal. Hindi naman matanggap ni Leo ang naging pang-iinsulto sa kanya kaya dumeretso ito sa barangay at agad nagsampa ng reklamo. Sino nga ba ang tunay na may sala?

Isang aksidente sa lansangan din ang tatalakayin nina Dominic Almelor at Maan Macapagal ngayong Miyerkules (June 5) sa Pinoy True Stories: Saklolo kung saan muntik nang mamatay ang isang trabahador nang tumilapon mula sa kanyang sinasakyang bisikleta matapos mabunggo ng jeep. Buti na lamang at may nakakita sa kanya at nakahingi siya ng saklolo.

 

vuukle comment

BUTI

DAHIL

DOMINIC ALMELOR

EDNA

ENGKWENTRO

ISANG

KAREN DAVILA

MAAN MACAPAGAL

MIYERKULES

PINOY TRUE STORIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with