^

PSN Showbiz

Claudine hindi na ginagamit ang apelyidong Santiago

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

After mabasa ang letter ni Mrs. Inday Barretto na totoong umalis ng bahay nila ni Claudine Barretto ang asawa nitong si Raymart Santiago, saka namin napansin na bago na ang Instagram account ng aktres.

Hindi pa namin natsi-check kung kailan binago ni Claudine ang IG account niya, pero nakasulat ang “Kindly follow my NEW IG account @claudinebarretto and my husband’s @raymartsantiago. Don’t follow this account (@clausantiago) anymore.”

Walang sinabing rason si Claudine kung bakit binago niya ang kanyang IG account, curious lang kami kung bakit pinalitan niya ito, hindi na ginamit ang account na apelyedo ni Raymart ang gamit at ang account na apelyedo niya sa pagkadalaga ang ginagamit na ngayon.

Hiwalay na raw sina Claudine at Raymart, pero bakit nasa kanya ang Porsche ng aktor? Saka bakit ini-encourage niya ang followers niya sa IG na i-follow din ang IG account nito. Sayang at ayaw pa ring magsalita ng aktor, paano kung ito naman ang napuno sa away ng mga Barretto?

Jennylyn mas daring manamit kesa kay Lovi

Kung may tally ng paseksihan ang mga damit na isinusuot nina Lovi Poe at Jennylyn Mercado sa presscon ng movie nilang The Bride and the Lover, 2-0 ang score. Two for Jennylyn and zero for Lovi. Si Lovi ang may sexy image, pero sa two presscons na magkasama sila, mas sexy ang damit ni Jennylyn.

Sa una nilang paghaharap, naka-white dress si Lovi, naka-short-shorts si Jennylyn. Sa presscon lang Wednesday, naka-dress sila pareho, pero mas sexy ang dating ni Jennylyn. Hinihintay namin ang damit nila sa premiere night ng movie sa April 29  bago ang regular showing sa May 1.

Sa movie, inamin ni Jennylyn na nahirapan siya sa role niyang nagtatrabaho sa isang lifestyle magazine at nag-effort siyang maging fashionista dahil hindi siya sanay na laging pustora dahil nasanay sa mahirap na role sa TV at pelikula.

Walang makitang rason si Jennylyn para hindi mapanood ng BF na si Luis Manzano ang pelikula kahit may love scene sila ni Paulo Avelino. “Hindi ako mahihiya, okey lang sa kanya ‘yun, alam niya ang proseso kung paano ginagawa ang mga eksena at maiintindihan niya,” sabi ni Jennylyn.

Mother Lily tatanggap ng Lino Brocka Achievement Award

Si Mother Lily Monteverde ang tatanggap ng Gawad Lino Brocka Lifetime Achievement, ang highest special award sa gaganaping 10th  Golden Screen Awards (GSA) ng Entertainment Press o EnPress na mangyayari bukas, Saturday, April 27, sa Teatrino sa Greenhills.

Si Mother Lily ang nasa likod ng Regal Entertainment at kahit noong nagkasakit, tuloy pa rin ang pagpoprodyus nito ng mga pelikula at ang anak na si Roselle Monteverde muna ang namahala. Ngayong magaling na ang lady producer, active na uli ito sa film production.

Ang latest movie ng Regal ay ang The Bride and the Lover na showing sa May 1 at may iba pang naka-line-up. Ang maganda kay Mother Lily, pati politicians na nangangailangan ng tulong niya ay tinutulungan.

Ipina-presscon na niya ang senatoriables na sina Grace Poe at Sen. Allan Cayetano at ipapa-presscon daw si Sen. Loren Legarda at Sen. Chiz Escudero.

vuukle comment

ACCOUNT

ALLAN CAYETANO

BRIDE AND THE LOVER

CHIZ ESCUDERO

CLAUDINE

JENNYLYN

LOVI

MOTHER LILY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with