^

PSN Showbiz

K-Pop superstars magsasama sa To The Beautiful You

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magtatambal sa telebisyon sa unang pagkakataon ang K-Pop superstars na si Min Ho ng boyband na Shinee at si Sulli ng girl group na (F)X sa romantic comedy na To the Beautiful You na mapapanood sa simula Lunes (April 15) sa ABS-CBN.

Parehong kilala bilang mang-aawit sa Korean music scene, naging ganap na aktor at aktres sina Min Ho at Sulli sa Korean version na ito ng hit Taiwanese soap na Hana Kimi dahil dito nila natanggap ang kanilang unang acting awards bilang best newcomer at best couple sa 2012 SBS Drama Awards.

Sundan ang kuwento ni JC Goo, isang Koreanang nakatira sa Estados Unidos at mai-in love sa high jump athlete na si Paul John Kang matapos niya itong mapanood sa telebisyon. Iidolohin niya si Paul John at magsisilbing inspirasyon niya sa buhay.

Magbabago ang mundong ginagalawan ni JC nang mapag-alamang naaksidente si Paul John at posibleng tapusin na ang karera sa larangan ng track and field. Dahil dito, babalik ng Korea si JC at papasok sa eskuwelang pinapasukan ni Paul John nang sa gayon ay makumbinsi niya ito na ipagpatuloy pa ang kanyang mga laban.

May isang balakid lang sa misyong ito ni JC— si Paul John ay pumapasok sa isang all boys high school at kinakailangan niyang magpanggap na lalaki para makapasok dito.

Hanggang kailan kaya magpapanggap ni JC? Maitago niya kaya ang kanyang nararamdaman kung kasama niya sa iisang kwarto ang pinakamamahal niyang si Paul John? Magtagumpay kaya siya sa kanyang misyon? Paano ta­tanggapin ni Paul John na si JC ay isa palang babae at ginawa niya ang lahat ng pagbabalat­kayo para lang sa kanya?

Napanood din sa ABS-CBN ang Taiwanese version ng Hana Kimi tampok ang Taiwanese hearrth­rob na si Wu Chun at Taiwanese sweetheart na si Ella Chen noong 2008.

vuukle comment

DRAMA AWARDS

ELLA CHEN

ESTADOS UNIDOS

HANA KIMI

JOHN

MIN HO

NIYA

PAUL

PAUL JOHN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with