^

PSN Showbiz

Bubble Gang may sariling version ng Harlem Shake

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Biyernes (Pebrero 22), hindi lamang mapapatawa kung hindi mapapaindak pa ang mga Kapuso viewers sa hatid na mga gags and spoofs ng buong tropa ng Bubble Gang kasama sina Sef Cadayona, Mark Herras, Kevin Santos, Paolo Contis, Chariz Solomon, Bubbles Paraiso, Ynna Asistio, at Carla Abellana.

Bukod sa version ng comical duo na Moymoy Palaboy ng Oh Oh Here We Are, hindi dapat palampasin ang tatlong versions ng pinakabagong dance craze na Harlem Shake. Siguradong mapapaindak ang lahat kasama ang buong BG barkada.

Agaw eksena naman ang isang lalaki na nagdadamit at nagkikilos babae sa Panlalaki ‘To. Hindi rin magpapatalo sa kasasalita ang talk show host ng Pag-usapan Natin Ito na ayaw man lang bigyan ng pagkakataon ang kanyang mga guests na magbigay ng comment.

Siguradong hindi mapapalampas ng lahat ang isa na namang matinding pick-up-an kasama ang nag-iisang Boy Pick-Up. May makatalo na kaya   kay Boy Pick-up?

Abangan ang lahat ng ‘yan ngayong Biyernes ng gabi sa Bubble Gang pagkatapos ng Temptation of Wife sa GMA.

vuukle comment

BOY PICK

BOY PICK-UP

BUBBLE GANG

BUBBLES PARAISO

CARLA ABELLANA

CHARIZ SOLOMON

HARLEM SHAKE

KEVIN SANTOS

MARK HERRAS

MOYMOY PALABOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with