^

PSN Showbiz

Toni hindi makapaniwala sa The Voice

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Si Toni Gonzaga ang magho-host ng pinakabagong reality show ng ABS-CBN na The Voice of the Philippines. Hango ang nasabing programa sa US reality singing show na The Voice kaya masayang-masaya ang dalaga dahil siya ang napiling mag-host nito. “Noong una hindi pa talaga nagsi-sink in pero ngayon siguro after the presscon nararamdaman ko na, this is it. We are presenting to you the newest and the biggest reality singing contest na mapo-produce ng ABS-CBN.

“Never in my wildest dreams na naisip ko na mako-consider ako rito. Actually, noong narinig ko ito, hindi ko naman naririnig ang pangalan ko na ma-consider ako, kaya siguro hindi kaagad nag-sink in sa akin na host ako,” nakangiting kuwento ni Toni.

May bulung-bulungan na isa rin si Sarah Geronimo sa mga pinagpilian para maging host ng nasabing programa kaya nilinaw ni Toni na hindi ito naging isyu sa kanila ng Pop Princess.

“For me, wala naman akong gustong mangyaring issue at ayoko ring magkaroon ng issue dahil unang-una sa lahat, it was given to me and hindi ko rin naman siya hiningi. It was given to me out of nowhere. Kahit ako, na-shock ako, na totoo ba ito na nasa akin nga ibibigay ang programang ito? So, ayoko nang sakyan ang issue because she will also be a part of The Voice and she will be one of the judges here. We’re really looking forward na makasama namin siya sa programa,” paliwanag ni Toni.

Ayon pa sa dalaga ay talagang pinakamagagaling na performers ang makakasamang coach o mentor ni Sarah sa kanilang show.

Coco nag-e-expect na kay Julia

Sa March 19 ay 18th birthday na ni Julia Montes at si Coco Martin daw ang gustong maging escort ng dalaga para sa kanyang debut party. Natuwa naman ang aktor dahil sa pagkakapili sa kanya ng teen actress.

“Why not, chocnut? Siyempre pupunta ako. Nag-e-expect din ako eh. Kung sakaling hindi, masasaktan ako. Siyempre kapag ikaw ang pinili niyang escort, ibig sabihin may espesyal na paghanga o pagtingin sa ’yo,” nakangiting pahayag ni Coco.

Hanga rin daw ang aktor kay Julia pagdating sa trabaho at pagmamahal nito sa pamilya. “Gusto ko ’yung pagkatao niya, pagbibigay importansiya niya sa pamilya at napaka-marespeto niya sa kapwa. Marami ka­ming pagkakapareho eh. Siya ’yung nagsusumikap para sa pamilya niya para maitawid din niya. ’Yun ang nagustuhan ko sa kanya bilang tao at bilang babae,” pagtatapat ni Coco.

Samantala, sa Feb. 13 ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang A Moment in Time nina Coco at Julia. Ito ang kauna-unahang pagta­tambal ng dalawa sa isang pelikula pagkatapos ng matagumpay nilang team up sa teleseryeng Walang Hanggan. Reports from JAMES C. CANTOS

                       

 

vuukle comment

A MOMENT

AKO

COCO MARTIN

JULIA

JULIA MONTES

POP PRINCESS

SA MARCH

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with