^

PSN Showbiz

Andi at Jake mas naging lantaran na ang relasyon!

TAKE IT TAKE IT! - The Philippine Star

Si Jake Ejercito ang date ni Andi Eigenmann sa birthday party ni Deo Endrinal noong Martes.

Hindi na itinatago nina Jake at Andi ang kanilang relasyon dahil alam nila na maraming mga showbiz personality ang bisita sa birthday party ni Deo pero nagpakita pa rin sila.

Nang sabihin noon ni Jaclyn Jose sa presscon ng A Secret Affair na may relasyon ang kanyang unica hija sa anak ni Papa Erap, hindi ko pinagdududahan ang rebelasyon niya. Hindi ang tipo ni Jaclyn ang mang-eeklay. Isa si Jaclyn sa mga artista na paboritong interbyuhin ng mga reporter dahil hindi uso sa kanya ang mga off the record.

Basta totoo, sasabihin niya, kahit may mga tao na masasaktan.

 Luto raw ng anak eh may pangalan ang kahon nang binilhan

NANAY NI LOUISE DELOS REYES UMIRAL ANG PAGKA-EKLAYERA SA IPINAMIGAY NA LECHE PLAN

Nakikipagkuwentuhan ako kahapon kay Louise delos Reyes nang malaman ko ang good news na re-elected si Barack Obama bilang U.S. President.

Natuwa ako dahil siya ang bet ko na manalo sa laban nila ni Gov. Mitt Romney na nag-concede agad.

Nakuha rin ni Romney ang paghanga ko dahil tinanggap niya agad ang pagkatalo. Hindi siya katulad ng ibang mga Pinoy politician na naghahain ng protesta dahil hindi nila matanggap ang defeat, kahit kitang-kita ang mga ebidensiya na mga talunan sila.

Kung winner si President Obama, winner din si Louise sa puso ng kanyang boyfriend na si Enzo Pineda

In love na in love si Louise kay Enzo dahil mabait, sweet at thoughtful ito.

Handa si Louise na makipag-away sa mga tao na nang-iintriga sa love of her life.

Libre na si Louise na aminin ang love affair nila ni Enzo dahil tapos na ang ta­ping nila ni Alden Richards para sa One True Love. Wala nang fans na magre-react o maiimbyerna dahil hindi pang-tunay na buhay ang screen romance nila ni Alden.

May horror movie na ginawa sina Louise at Enzo, ang Basement ng Reality Entertainment.

Si Topel Lee ang direktor ng pelikula na pinagbibidahan din nina Sarah Lahbati at Aljur Abrenica.

Binigyan ako kahapon ng leche flan ng madir ni Louise.

Hindi ko sineryoso ang biro ng nanay ni Louise na ang anak niya ang gumawa ng napakasarap na leche flan. Knows ko na ineklay niya ako dahil nakalagay sa container ang name ng tindahan na binilhan nila ng yummy dessert.

Gladys at Jaya tutulong sa mga nangangailangang nanay

Hindi na ako nagpunta sa presscon kagabi ng Nay-1-1, ang coming soon talk show nina Gladys Reyes at Jaya sa GMA 7.

Maganda ang concept ng programa dahil ililigtas ng dalawa sa pamamagitan ng kanilang show ang mga tao na may problema, lalo na ang mga nanay na katulad nila.

Confident ako na magagampanan ni Gladys nang maayos ang pagiging host ng Nay-1-1 dahil nasanay siya sa MOMents, ang sariling talk show niya sa Net25.Popular sa mga nanay ang MOMents ha.

Susan Roces naglagari sa party

Na-miss ko noong Martes ang mga birthday party nina Malou Fagar ng Eat Bulaga at Deo Endrinal ng ABS-CBN.

Gustong-gusto ko pa naman na makita ang magandang bahay ni Deo, pati na ang cake refrigerator na ikinuwento niya sa akin.

Magkasabay ang mga birthday party nina Mama Malou at Deo kaya halos pareho ang kanilang mga bisita.

Touched na touched si Mama Malou sa presence ni Susan Roces dahil inuna nito na pinuntahan ang kanyang birthday dinner. Nauna raw kasi na mag-invite si Mama Malou.

 

vuukle comment

DAHIL

DEO

DEO ENDRINAL

ENZO

LOUISE

MAMA MALOU

NILA

SUSAN ROCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with