^

PSN Showbiz

Sam si Pokwang na ang bagong ka-love team!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

 Sa kauna-unahang pagkakataon ay makakatambal ni Sam Milby sa pelikulang Crazy Love si Pokwang. Ito ang pelikulang kinatatampukan ng lahat ng artista ng Star Magic para sa kanilang ika-dalawampung taon sa industriya. “Ang role ko rito, nag-aaral ako sa States, tapos pumunta ako dito sa Pilipinas. I was really mayabang, feeling parang magiging sikat. Pero magkakaroon ako ng madaming utang sa mga tao so I got stuck here. My character badly need money and that’s where I end up meeting Pokwang,” kuwento ni Sam.

Mas naging madali raw para kina Sam at Pokwang ang kanilang trabaho dahil magkaibigan talaga sila sa totoong buhay. Bukod sa ginagawang pelikula ay abala na rin si Sam para sa teleseryeng Against All Odds kung saan kasama naman ng aktor sina KC Concepcion at Judy Ann Santos.

Hindi raw inakala ni Sam na mabibigyan siya ng pagkakataong makasama si Judy Ann sa isang proyekto. “I have to admit noong mga unang araw nahiya ako sa kanya. Siyempre Juday ‘yan. I can’t say na pinanood ko ‘yung mga soaps niya dati, kasi hindi ako lumaki rito sa ‘Pinas eh. But I know ‘yung status niya sa industry, maraming pumupuri sa kanya. I was really surprised that she’s an extremely nice person. Very humble talaga. She often brings food on the set, cook talaga ‘yun eh, plus how much she cares for the whole production,” pagdedetalye ng aktor.

Minsan na rin daw nakapag-bonding sina Sam at Judy Ann na kasama pa ang asawang si Ryan Agoncillo.

Angel dinenay na nag-ala ces drilon sa biktima

Gumanap bilang isang broadcast journalist si Angel Aquino sa indie film na Biktima. Asawa ang aktres ni Cesar Montano na siyang bida sa nasabing pelikula. Nilinaw ni Angel na walang kinalaman ang kanilang pelikula sa kontrobersiyal na nangyari kay Ces Drilon sa Sulu noong 2008.

Sinasabi kasing may pagkakahawig ang nangyari kay Angel sa pelikula at ang nangyari kay Ces noon. “Kasi noong pini-film namin ito, nangyari na ‘yung kay Ces Drilon but I did ask them and hindi naman daw because when they wrote it, they didn’t have her in mind and hindi pa nangyayari ‘yung kay Ces Drilon when he star­ted writing it. Of course when I was there shooting it, it was Ces Drilon that I had in mind. Parang I wonder how she felt. Ini-imagine ko, alam ko hindi ko pa rin totally mae-experience, mai-immerse ‘yung sarili ko in whatever happened to her and I will never ever even come close kung ano ‘yung naging ordeal niya, but I hope that I was able to portray well kung ano ‘yung pakiramdam ng isang victim of a hostage, parang ‘yung mga captive din,” kwento ni Angel.

Samantala, isang bagong teleserye rin ang ginagawa ng aktres ngayon para sa Kapamilya network. 

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AGAINST ALL ODDS

ANGEL AQUINO

BUT I

CESAR MONTANO

CRAZY LOVE

DRILON

JUDY ANN

LSQUO

POKWANG

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with