^

PSN Showbiz

Aktres na nagdusa sa pagpapapayat, lumobo na naman ang katawan!

- The Philippine Star

Pumayat na ang isang aktres pero nabale-wala ang kanyang mga pagdurusa dahil tumaba uli siya.

Shocked ang mga reporter na naka-sight sa aktres sa isang event dahil lumobo na naman ang kanyang katawan. Hirap na hirap ang aktres sa pagba­bawas ng timbang dahil lahi sila ng mga matataba.

Hindi na niya alam ang gagawin para maging seksi.

Liability ang size ng katawan ng aktres dahil kapag tumataba ito, hindi siya binibigyan ng project ng kanyang mother studio. Hindi naman mortal sin ang maging mataba ‘no!

Pacman tatapusin muna lahat ng commitment

Hindi na matutuloy sa November 10 ang laban ni Congressman Manny Pacquiao sa Las Vegas.

Nagdesisyon si Papa Manny at ang Top Rank na ilipat sa December 1 ang kanyang laban pero hindi pa nila sinasabi ang pangalan ng boxer na makakaharap ng Pambansang Kamao.

Inilipat sa ibang petsa ang boxing fight ni Papa Manny dahil sa kanyang busy schedule. Tatapusin muna niya ang lahat ng commitments bago sumabak sa training para sa kanyang December 1 fight

Dra. Vicki matagal nang duda sa sakit ni Zsa Zsa

Mapapanood ngayong hapon sa Startalk ang exclusive interview ni Ricky Lo kay Zsa Zsa Padilla na nakatakdang operahan sa kidney sa August 27.

Pinagbigyan agad ni Zsa Zsa ang request ni Papa Ricky na mainterbyu siya tungkol sa kanyang karamdaman. Ibabahagi ni Zsa Zsa sa ating lahat ang paraan ng pagtanggap niya sa kanyang Stage 1 kidney cancer.

Magiging inspirasyon si Zsa Zsa ng mga tao na masyadong dinidibdib ang kanilang mga walang kuwentang problema dahil sa kanyang positive attitude na ipinakikita, kapag napanood nila ang mga pahayag sa Startalk ng Divine Diva.

Nagpaunlak din ng interbyu sa Startalk si Dra. Vicki Belo na higit na nakakaalam sa tunay na kundisyon ni Zsa Zsa.

Si Papa Ricky din ang nag-interbyu kay Mama Vicki sa bahay nito sa Dasmarinas Village.

Umuwi sa Pilipinas si Mama Vicki dahil sa isang speaking engagement. Four days lamang si Mama Vicki sa bansa dahil babalik siya sa US para sa kidney surgery ni Zsa Zsa.

Si Mama Vicki ang unang nagkaroon ng suspetsa na kanser ang sakit ni Zsa Zsa kaya nag-volunteer siya na samahan ang singer-actress sa pagpapa-check up nito sa Cedars Sinai Medical Center. Los Angeles, California.

Natatandaan ko na si Mama Vicki rin ang unang nagduda na kanser ang sakit noon ni Rudy Fernandez. Doktor si Mama Vicki at kahit pagpapaganda ang kanyang expertise, malawak ang kaalaman niya tungkol sa iba’t ibang klase ng sakit.

Balik-tambalan…

Balik-tambalan sa Sana Ay Ikaw Na Nga ang love team nina Rita Avila at Jestoni Alarcon.

Mga contract star noon ng Seiko Films sina Rita at Jestoni. Si Robbie Tan ang nagpasikat sa dalawa na naging love team dahil sila ang madalas na magkapareha sa pelikula.

Hindi nagkaroon ng relasyon ang dalawa pero ninang si Rita ng anak ni Jes­toni. Ikinuwento ni Rita sa presscon ng Sana Ay Ikaw Na Nga na hanggang ngayon, natatandaan ng mga tao ang love team nila ni Jestoni. Isang janitress ang lumapit sa kanya at nagsabi na ang love team nina Rita at Jestoni ang sinusuportahan niya noon.

vuukle comment

DAHIL

JESTONI

KANYANG

MAMA VICKI

PAPA MANNY

SANA AY IKAW NA NGA

STARTALK

ZSA

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with