^

PSN Showbiz

Zsa Zsa in denial pa rin, 40th day ni Dolphy lalayasan!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK:  Nagpapasalamat si Marian Rivera sa mga kaibigan niya sa showbiz na magbibigay ng participation sa blood-letting project kung saan mismong si Marian ang nag-imbita sa mga kaibigan niya na sumali at mag-donate ng dugo kung puwede sila na gaganapin ngayong araw sa Ever Gotesco Commonwealth sa Quezon City kasama ang Philippine National Red Cross Chairman Richard Gordon.

Gusto na ni Marian na mag-donate ng dugo niya pero hindi naman siya puwede kaya mga kaibigan niya ang pinakiusapang mag-volunteer na tutulong at kaagad naman silang napa-oo ng aktres.

PAK: Inabot pala ng umaga sina Julie Ann San Jose at Elmo Magalona sa dubbing room ng Sampaguita Studios dahil sa baha.

Nung Lunes ng gabi sila nag-dub para sa Just One Summer pero hinintay ni Elmo na matapos si Julie Ann kaya hindi muna ito umuwi.

Pero nung lumalakas na ang ulan at sinabihan na silang maraming bahang lugar na mahirap nang daanan, tumigil sila roon hanggang sa doon na lang sila natulog.

Sa loob ng dubbing room natulog si Julie Ann kasama ang Daddy niya at si Elmo naman nasa labas.

Nakantiyawan tuloy si Elmo na kaya inabot din ito ng baha dahil sa hinintay pang matapos si Julie Ann.

BOOM: Kinlaro ni Zsa Zsa Padilla ang narinig naming kuwentong na-pack-up ang taping ng Dolphy Special sa ABS-CBN dahil sa hindi nito nakayanan at iyak na siya nang iyak pagkatapos nitong magbigay ng spiels.

Ayon kay Zsa Zsa, ang pagkakaalam niya ay tapos na ang taping bago ito umalis.

Totoong emosyonal siya sa taping at hindi nito napigilang umiyak nang pinanood nitong kumakanta si Zia Quizon.

Aminado siyang nasa denial period pa rin siya kaya lagi itong sinasamahan ni Zia dahil lagi lang itong malungkot.

Kasama si Zia nina Zsa Zsa at Dr. Vicki Belo na aalis patungong Amerika bukas.

Si Zsa Zsa ang endorser ng ZO line ng Belo Medical Group na ilu-launch sa Los Angeles, California at pagkatapos nito ay sasamahan niya itong magpa-check up.

Nasa Amerika si Zsa Zsa sa 40th day ng kamatayan ni Dolphy pero hahabol naman siya rito sa showing ng pelikula nitong I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila.

vuukle comment

BELO MEDICAL GROUP

DOLPHY SPECIAL

ELMO

ELMO MAGALONA

EVER GOTESCO COMMONWEALTH

I DO BIDOO BIDOO

JULIE ANN

JULIE ANN SAN JOSE

ZSA

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with