^

PSN Showbiz

Kapamilya love teams nagpaulan ng kilig

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinainit ng pinakaaabangang Kapamilya love teams ang tag-ulan sa kanilang kilig moments na ipinamalas sa pinakabagong Ulan Station ID ng ABS-CBN na pinamagatang Masarap ang Feeling, Kapag Ikaw ang Kapiling sa Tag-Ulan.

Pinangunahan ng isa sa pinakamatagumpay at patuloy pa ring hinahanap na love team nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang naturang station ID.

Buhay na buhay pa rin ang chemistry sa pagitan ng dalawa na hindi maikakaila sa kanilang malalagkit na tinginan at pagsayaw ng tinaguriang sayaw ng pag-ibig na tango.

Hindi naman nagpahuli sa pagsabog ng kilig sina Daniel at Katrina na gina­gampanan nina Coco Martin at Julia Montes ng Walang Hanggan kasama rin ang co-stars nila na sina Paulo Avelino, Melissa Ricks, at Joem Bascon habang LQ sa ilalim ng ulan naman ang drama ng Kahit Puso’y Masugatan love triangle na sina Iza Calzado, Andi Eigenmann, at Jake Cuenca.

Para naman sa mga teen at tween, tiyak kinilig sila sa pagtampisaw sa ulan nina Enrique Gil, Khalil Ramos, Daniel Padilla, at Kathryn Bernardo ng Princess and I at Paul Salas, Dom Roque, at Ella Cruz ng Aryana.

Samantala, nagbigay naman ng patikim sa ihahatid nilang kilig sa mga dara­ting na buwan ang aabangang pagpapareha nina Martin del Rosario at De­nise Laurel sa Precious Hearts Romances Presents Pintada; Jessy Mendiola at Mateo Guidicelli kasama sina Matt Evans at Jewel Mische sa Precious Hearts Romances presents Isla; Kaye Abad at John Prats para sa Angelito: Ang Bagong Yugto; at ang pagbabalik-telebisyon nina Xian Lim at Kim Chiu kasama sina Enchong Dee at Maja Salvador sa Ina, Anak, Kapatid.

Kasama rin sa station ID ang natatanging tambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard “Papa Chen” Yap tuwing umaga sa Be Careful with my Heart; minahal na love team sa hapon sa pagitan nina JM de Guzman at Charee Pineda ng Angelito and Rosalie from Angelito: Batang Ama; naiibang tandem nina Zaijian Jaranilla at Carmina Villaroel ng Lorenzo’s Time; at host-actress KC Concepcion.

Ang Masarap ang Feeling, Kapag Ikaw ang Kapiling sa Tag-Ulan ay nilikha ng ABS-CBN Creative Communications Management sa pamumuno ni Robert Labayen.(KC)

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

ANG BAGONG YUGTO

ANG MASARAP

ANGELITO AND ROSALIE

BATANG AMA

BE CAREFUL

BEA ALONZO

CARMINA VILLAROEL

KAPAG IKAW

NINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with