^

PSN Showbiz

Bong magbi-bise na lang kay Bongbong

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

May mga nagtatanong sa akin kung totoo ang balita na kakandidatong Bise-Presidente ng Pilipinas sa 2016 si Senator Bong Revilla, Jr.

Hintayin na lang natin ang pagsasalita ni Bong dahil siguradong hihingin ng media ang kanyang opinyon at reaksiyon sa balita na siya ang magiging running mate ni Senator Bongbong Marcos na tatakbo naman bilang presidente.

Hindi naman itinatanggi ni Bongbong ang kagustuhan nito na sundan ang yapak ng kanyang ama, si ex-President Ferdinand Marcos.

Kung matutuloy ang pagsasanib-puwersa ng dalawa, asahan natin sa 2016 ang Bongbong-Bong tandem.

 

GMA 7 may pahabol na parangal kay Dolphy

Nailibing na si Mang Dolphy pero hindi pa tapos ang mga parangal sa kanya.

Isang TV special ang inihahanda ng GMA News TV at mapapanood ito sa July 22, three days bago ang 84th birthday ni Mang Dolphy.

Kakaiba ang TV special dahil naka-focus ito sa mga aral na matututuhan sa humble beginnings ng Comedy King hanggang marating niya ang success ng kanyang showbiz career.

 

Eat Bulaga nasa indonesia na

Sosyal ang Eat Bulaga dahil may Indonesian version na ito, ang Eat Bulaga Indonesia.

May nagkuwento sa akin na nagpunta sa Jakarta sina Jose Manalo at Wally Bayola para umapir sa Eat Bulaga Indonesia? Naroroon din daw ang ilang staff member ng Eat Bulaga para i-supervise ang mga segment ng Juan for All, Bulagaan, at Indonesian Genius.

Parehung-pareho ang set at mechanics ng Indonesian Genius at Pinoy Henyo bilang franchise ng Eat Bulaga ang Eat Bulaga Indonesia.

Bonggang-bongga ang Eat Bulaga dahil gumawa ito ng history sa Philippine Television. Ang Eat Bulaga ang kauna-unahang Filipino noontime show na nagkaroon ng international franchise.  Nakaka-proud di ba?

 

Hindi ordinaryong tsismis swak kay Regine

Nag-shoot kami ng station ID ng GMA 7 sa Broadway Centrum noong Lunes.

Kasama ko sa station ID shoot ang mga co-host ko sa Startalk, sina Butch Francisco, Ricky Lo, at Tim Yap.

Ang init-init ng panahon noong Lunes pero tiniis namin alang-alang sa ikagaganda ng aming portion.

Habang may station ID shoot kami, may pictorial naman sa Studio 7 ng GMA Network Center ang mga host ng H.O.T TV, sina Regine Velasquez, Roderick Paulate, Raymond Gutierrez, at Jennylyn Mercado.

Tinanggap ni Regine ang offer na maging host ng talk show na ipapalit sa Showbiz Central dahil gustung-gusto niya ang concept.

May ibig sabihin nga pala ang H.O.T. , Hindi Ordinaryong Tsismis  at malalaman natin sa August 5 kung bakit hindi ordinaryong talk show ang H.O.T. TV.

Bagay na host ng isang talk show si Regine dahil marami siyang alam na kuwento tungkol sa mga nangyayari sa showbiz at sa buhay ng mga artista.

                           

vuukle comment

ANG EAT BULAGA

BROADWAY CENTRUM

BULAGA

EAT

EAT BULAGA

EAT BULAGA INDONESIA

INDONESIAN GENIUS

MANG DOLPHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with