^

PSN Showbiz

Liezel hurting sa pagkamatay ng kinagisnang ama

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hurting si Liezel Martinez dahil sumakabilang-buhay noong Huwebes ng gabi ang kanyang stepfather na si Joey Stevens.

Dinamdam ni Liezel ang sudden death ni Joey na nakagisnan niya bilang ama sa loob ng 42 years.

Ikinabigla ni Liezel ang pagpanaw ng amain dahil nagkasama pa sila sa Cebu City noong birthday niya, three days ago. Nagkita pa sila ni Joey noong Huwebes bago bumalik sa Manila si Liezel at ang pamilya nito.

Wala pang reaksiyon si Amalia Fuen­tes tungkol sa biglaang pagkamatay ng kanyang estranged husband.

‘Boss Vic hindi ko puwedeng hindian’

Muntik na akong mag-back out sa guesting ko sa show ni Sharon Cuneta sa Lunes dahil may conflict sa aking busy schedule.

Pero nagbago ang desisyon ko nang makatanggap ako ng phone call mula kay Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment dahil ni-request niya na umapir ako sa taping sa Lunes.

Isa si Boss Vic sa mga tao na hindi ko puwedeng tanggihan dahil napakabuti niya sa akin. Ang ending, tuloy ang taping ko para sa show ni Sharon at si Mama Cristy Fermin ang makakasama ko.

Paolo may dapat pang patunayan

Mahusay talaga na TV host si Paolo Bediones at na-realize ko ito sa presscon ng Extreme Makeover: Home Edition Philippines noong Huwebes. Sinagot ni Paolo ang lahat ng mga tanong at napakalinaw ng kanyang mga explanation tungkol sa bagong reality show niya sa TV5.

Isa na lang ang dapat patunayan sa akin ni Paolo, na hindi siya kuripot dahil sa tagal niya sa showbiz, hindi ko pa siya nahaharbatan.

Makukumpleto ang paghanga ko kay Paolo kapag naharbatan ko siya. Bagong bahay, bagong buhay’ ang handog na pangako ng bagong reality show ni Paolo sa TV5.

Tuwing Linggo, isang bagong bahay ang bubuuin para sa isang pamilya na tumulong sa kanilang community sa kabila ng kahirapan at nagsilbi bilang inspiras­yon sa nakararami.

Bibigyan din ng all-expense paid vacation ang pamilya na napili habang itinatayo ang kanilang bagong bahay.

Malaki at talagang extreme ang mga projects ng Extreme Makeover: Home Edition, buong puso na ibinuhos ni Paolo at ng kanyang design team ang kanilang panahon para matapos sa sandaling panahon ang mga bahay.

Bukod sa mga kuwento na magbibigay inspirasyon, iba’t ibang guest stars ang mapapanood sa reality show ng TV5 tulad nina Sharon Cuneta, Nora Aunor, at David Archuleta. Aapir ang tatlo sa unang season ng pinaka-exciting na reality prog­ram ni Paolo.

Sino ang dapat paniwalaan sa mag-inang Maritoni at Lexi?

Dapat mag-usap nang masinsinan ang mag-inang Maritoni at Lexi Fernandez dahil parang magkaiba ang statement nila sa press.

May mga reporters na nagsabi na kinumpirma ni Maritoni ang balita na naging boyfriend ni Lexi si Jake Vargas pero nag-deny ang kanyang anak sa presscon ng mga top-rating afternoon shows ng GMA 7.

Nalilito ngayon ang mga tao, sino ba sa mag-ina ang dapat paniwalaan? Para masagot ang tanong, mas ma­kabubuti na interbyuhin uli ng mga reporters sina Maritoni at Lexi dahil baka magkatugma na ang kanilang statement.

vuukle comment

AMALIA FUEN

BOSS VIC

EXTREME MAKEOVER

HUWEBES

LEXI

LIEZEL

MARITONI

PAOLO

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with