^

PSN Showbiz

Inumpisahan ang baby boom sa 2012, Pia five weeks preggy na

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Malakas ang kutob ko na magkakaroon ng baby boom sa showbiz dahil inumpisahan ito kahapon ng announcement ni Pia Guanio na buntis siya.

Preggy din si Krista Ranillo at malay natin, baka magkaroon agad ng baby sina Kyla at Jolina Magdangal na halos magkasunod na ikinasal noong nakaraang taon.

Every year, hindi nawawalan ng mga nabubuntis sa showbiz, kasal man o hindi. Last year, marami ang aktres na nagsilang ng baby. Nariyan sina Andi Eigenmann, Glydel Mercado, Marithez Samson, at Cheska Garcia. I’m sure, may mga nalimutan pa ako sa listahan ng mga aktres na nanganak noong 2011.

Aktres malapit nang mag-alsa balutan sa nanay na madalas siyang ipahiya sa harap ng maraming tao

Marami na ang imbiyerna sa isang stage mother dahil sa panghihiya niya sa kanyang anak na aktres.

Walang pakialam ang stage mother dahil hinihiya nito ang anak kahit nasa harap sila ng publiko. Dahil napapahiya sa mga kagagahan ng kanyang madir, napipilitan ang aktres na ipagtanggol ang sarili.

Huwag tayong magugulat kung mabalitaan natin na nilayasan ng aktres ang pasaway na ina dahil sa sobrang pagmamaltrato sa kanya.

Dapat matauhan ang stage mother bago maisip ng anak niya na mag-alsa balutan at magdeklara ng kalayaan.

Misis ni Tyron hindi na nakipaglibing

Hindi pala nakipaglibing kay Tyron Perez ang kanyang mi­sis na si Liv Espino. Nagpunta si Liv sa huling gabi ng lamay para kay Tyron pero umalis din siya, kahapon ng madaling-araw.

Marami ang nagtaka sa desisyon ni Liv na huwag ihatid ang asawa sa huling hantungan. Kung anuman ang kanyang dahilan, siya lamang ang nakakaalam.

Celebrity friends hindi rin nakipaglibing

Dumayo sa Concepcion, Tarlac para sa libing ni Tyron si Christian Esteban, ang kasamahan ng namayapang aktor sa Season 1 ng StarStruck.

Kabilang si Christian sa mga nasaktan ng husto sa pagkawala ni Tyron. Iyak siya nang iyak sa mga interbyu sa tuwing napag-uusapan ang masasayang araw nila ng kanyang kaibigan.

May nagkuwento sa akin na nakipaglibing din si Charee Pineda, ang ex-girlfriend ni Tyron.

Nagtataka lang ako dahil sa rami ng mga showbiz friends ni Tyron, dalawa lamang ang sumipot sa kanyang libing. Nasaan na ang ibang mga artista na feeling guilty dahil hindi nila napagbigyan ang request ni Tyron na magkaroon sila ng reunion? Mga very busy pa rin sila?

Juan Manuel Marquez nagpapapresyo na

Mataas na talent fee ang hinihingi ni Juan Manuel Marquez para mapapayag siya na lumaban uli kay Congressman Manny Pacquiao.

Ang feeling ni Marquez, may karapatan siya na mag-demand ng mataas na TF dahil sa nangyari sa huling boxing match nila ng Pambansang Kamao. Alam kasi ni Marquez na marami ang may gusto na maglaban uli sila ni Pacquiao kaya sinasamantala niya ang sitwasyon. Why not?

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

CHAREE PINEDA

CHESKA GARCIA

CHRISTIAN ESTEBAN

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

DAHIL

JUAN MANUEL MARQUEZ

TYRON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with