^

PSN Showbiz

Marian mawawalan ng pahinga!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nagbunga ng maganda ang effort ng mga fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil ito na ang bidang babae sa My Beloved.

Tuwang-tuwa ang mga tagahanga ng dalawa sa good news na inilabas ng GMA 7 noong Biyernes dahil magkakasama uli sa isang primetime show ang kanilang mga idolo.

Kung natutuwa ang mga fans nina Marian at Ding­dong, may mga nag-aalala naman dahil walang pa­hinga si Marian na aligaga pa rin sa taping ng Ama­ya.

Hindi dapat mabahala ang mga supporters ni Marian dahil inaayos na ang kanyang schedule para makapagpahinga siya pagkatapos ng Amaya.

Misis ni Kobe Bryant nag-file na ng divorce

Magpapaka-Hollywood muna ako dahil ikina­lung­kot ko ang balita na nag-file ng divorce si Va­nes­sa Bryant, ang misis ng sikat na NBA player na si Kobe Bryant.

Irreconcilable differences ang ibinigay na dahilan ni Vanessa kaya hihiwalayan niya si Kobe.

Nalungkot ang mga fans ni Kobe dahil kung kailan malapit na ang Pasko, saka nagdesisyon ang kanyang misis na iwanan siya.

Matagal nang may problema ang mag-dyowa pero hindi ito nahalata ng mga Pilipino nang bumisita kamakailan si Kobe sa ating bansa.

Magkakilala sina Kobe at Congressman Manny Pacquiao. Dahil sa nangyari sa love life ni Kobe, marami ang bumilib sa tibay ng pagsasama nina Papa Manny at Jinkee Pacquiao dahil hindi nila hinayaan na masira ng ibang tao ang kanilang relasyon.

Sam at Enrique, bagong Regal Baby

Pumirma kahapon ng kontrata sa Regal Entertainment, Inc. sina Sam Concepcion at Enrique Gil.

Nakita ko sa personal si Sam sa presscon noon ng Shake, Rattle & Roll 13 at pamilyar ako kay Enrique dahil napapanood ko siya sa Budoy kaya knows ko na BJ ang name ng kanyang karakter.

Ipinagmamalaki ni Mother Lily Monteverde na Regal Baby na sina Sam at Enrique pero secret ang kanyang sagot nang itanong ang mga projects na gagawin ng dalawang bagets sa movie outfit niya.

Mother Lily feel magpa-Christmas party

Dalawa ang official entry ni Mother Lily sa 37th Metro Manila Film Festival (MMFF), ang Shake, Rattle & Roll 13 at Yesterday Today Tomorrow.

Magkasunod ang premiere night ng Shake… at Yesterday… at pinaplano ni Mother Lily na magkaroon ng Christmas party para sa entertainment press. Naghahanap na siya ng venue dahil fully booked na yata ang lahat ng mga function rooms ng Imperial Palace Suites.

Ganyan ka-in demand ang Quezon City hotel na pag-aari ni Mother.

Salamat Papa Miguel...

Maraming-maraming salamat kay Papa Miguel G. Belmonte dahil natanggap ko kahapon ang Christmas gift na ipinadala niya sa akin. Touched na touched ako dahil hindi ako binigo ni Papa Miguel nang iparamdam niya sa akin ang kanyang pagmamahal.

Ayokong kinaiinggitan ako kaya hindi ko sasabihin ang special something na natanggap ko mula sa big boss namin sa PSN.

A million thanks din kay Papa Ronald Constantino dahil sa MMFF season pass na ibinigay niya sa akin. Matutuwa ang aking mga maid of honor dahil mapapanood nila sa sinehan ang anim na pelikula na kasali sa MMFF.

vuukle comment

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

DAHIL

DINGDONG DANTES

ENRIQUE

KOBE

KOBE BRYANT

MOTHER LILY

REGAL BABY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with