^

PSN Showbiz

Maricel ayaw na ng negative vibes

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Looking good si Maricel Soriano nang makita namin sa All For 1 concert nina Martin Nievera at Side A Band sa Araneta Coliseum last Friday. Happy din ang aura ng aktres at medyo pumayat at nang makausap namin, nabanggit na ayaw na niya ng negative vibes lalo’t under Viva Entertainment na siya at si Mr. Vic del Rosario ang bagong manager.

Sabi ni Maricel, five days na siyang nagsu-shooting ng Yesterday, Today & Tomorrow, her comeback movie at abangan natin kung kasama siya sa cast ng movie na entry ng Regal Entertainment sa 2011 MMFF na magpi-pictorial.

Hindi na namin pinahaba ang pakikipagtsikahan kay Maricel dahil gaya ng ibang press, enjoy din ito sa inihandang finger food ng Cibo para sa 30th anniversary ng Viva Films na hmahataw this year sa movies, recording at mga talent.

Joshua pumayat sa juice diet

Hiyang si Joshua Dionisio sa juice diet o juju diet na sinusunod dahil nang makausap namin sa taping ng Ikaw Lang ang Mamahalin, pumayat na ito at kita rin sa TV na nabawasan ang timbang nito. Na-define ang mukha ng young actor, lumabas ang kagwapuhan at halata ring nadagdagan ang self-confidence.

Four months na ang juju diet ni Joshua, kung saan 250 ml. six times a day ang kanyang tini-take. Pinaghalong juice ng broccoli, sugar beet, spinach, bell pepper, celery, sayote, singkamas, tomatoes, ap­ple, orange at talbos ng kamote ang diet na payo ng isang alternative doctor. Hirap lang si Joshua at ang parents niya dahil kailangang organic ang gagamiting vegetables at fruits.

Between P500 to P1,000 a day din ang nagagas­tos niya pero dahil effective, kahit masama ang lasa at mahal, itutuloy pa rin ni Joshua ang juju diet na la­­sang lupa raw. Natutuwa nga ito dahil kuminis na ang face niya at pati pimples niya sa likod ay isa-isang naaalis. Walang bawal na pagkain dito, expect red meat.

Naniniwala si Joshua na effect ng kanyang diet ang very light niyang pakiramdam at tumalas ang memory niya sa pagmememorya ng lines sa Ikaw Lang ang Mamahalin at Tweenhearts

Mahilig kasi sa may ka-loveteam

Young actor bulilyaso na naman sa bagong nililigawan

Tama ang hinala namin na kinausap na naman ang isang young actor para tigilan ang panliligaw sa kanyang crush na aktres dahil sa bago nitong project. Sinunod ng young actor ang request sa kanya dahil para sa career ng aktres, pero ang hindi alam ng mga kumausap at humiling dito, nahihirapan ang young actor.

Nakapag-dialogue tuloy ito na ayaw na niyang manligaw dahil laging nabubulilyaso. Second time na nga namang nangyari ito sa young actor, nanligaw din siya sa isang young actress, pero pinatigil dahil apektado na ang love team ng young actress sa isa pang young actor.

In fairness, walang ka-love team ang bagong niligawan ng young actor, pero may bago itong show at makakasira nga naman kung sa iba ito mali-link at hindi sa kapareha.

Bakit hindi manligaw ang young actor ng walang ka-love team o kaya taga-ibang network para hindi na siya masaktan. 

vuukle comment

ACTOR

ALL FOR

ARANETA COLISEUM

DAHIL

DIET

IKAW LANG

JOSHUA DIONISIO

MAMAHALIN

MARICEL

YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with