^

PSN Showbiz

Sharon mahal na mahal si Baby Miguel

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Noong isang taon ay isang munting anghel ang natanggap ni Megastar Sharon Cuneta, ang kanyang adopted son na si Baby Miguel. Ang batang ito ang itinu­ring na bunso ng kanilang pamilya.

Paano nga ba naging miyembro ng pamilya si Baby Miguel? “Sabi ko, my God, I swear gusto ko talaga ng baby, gusto ko talagang mag-adopt. Biglang may tumawag sa amin, may dinala sa kanilang bata. Alam nila I kept saying na gusto kong mag-am­pon. Noong kinausap ko, ‘di ko man lang nakikita ‘yung picture niya (Baby Miguel), ni walang MMS. Sabi ko, teka muna, huwag mong ibibigay ito to anybody else, akin ‘yang bata na iyan. Maganda ‘yung katuwiran ng asawa ko, sabi niya thinking to better lives of million Filipinos, then there is this one child that comes, and what I can’t give him a life,” kuwento ni Sharon.

Hindi man biological child ni Sharon si Baby Miguel ay sobra raw ang pagmamahal ng buong pamilya ng Megastar dito.

Ngayon daw ay isang taon na si Baby Miguel at sobrang happiness daw ang naidudulot nito sa kanilang pamilya. “Parang lumabas talaga sa akin. He is so much like us, ‘yung mga ate niya, mahal na mahal siya. Kapag hindi sinundo ni Miguel si Frankie sa school parang nagtatampo si Frankie. Masayang-masaya na kami noon with our kids pero sumobra talaga ‘yung dagdag ng kaligayahan ng batang ito. Masarap ‘yung biological child ka, pero it doesn’t have to be a child na galing talaga sa iyo. There are so many kids who are in need of love and attention, so many unwanted, unfortunately, so ang daming puwedeng bigyan ng pagmamahal,” pahayag pa ng Megastar.

Umaasa kaming makita na si Baby Miguel sa darating na mga araw.

Matapos lumo0bo ang katawan Billy Crawford puspusan ang pagpapayat

Ngayon ay puspusan na raw ang pagda-diet ni Billy Crawford dahil medyo nadadagdagan na naman ang kanyang timbang. Mayroon na siyang ilang routines na ginagawa para makatulong sa pagpapapayat. “Yes! Every Wednesday kami ni Vhong Navarro naglalaro ng basketball. We go to the gym and run, and diet,” bungad ng Billy.

Aware rin ang singer sa comments ng tao tungkol sa kanyang paglaki pero hindi naman daw siya nagpapaapekto rito at mas lalo niyang pinagbubuti ang kanyang trabaho. “Hindi naman naka­­kasakit. Kahit sa­bi­hin nila si Billy, mamamatay na iyan dahil sa sobrang taba, this and that, hindi. ‘Yung ganyang comments, hindi nakakapikon. Sa akin okay lang iyon. They have the right to make it happen,” paliwanag pa ni Billy.  Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BABY

BABY MIGUEL

BILLY CRAWFORD

EVERY WEDNESDAY

FRANKIE

LSQUO

MEGASTAR

MIGUEL

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with