^

PSN Showbiz

Super Personal ang atake sa Aktres

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Naglagare kahapon ang mga reporter, pati na ako, dahil magkasunod ang presscon ng Si Agimat at si Enteng Kabisote at ang Christmas party ng PPL.

Hapon ang presscon ng Si Agimat... dahil nag-adjust ang lahat sa schedule nina Senator Bong Revilla, Jr. at Vic Sotto. Tinapos muna ni Vic ang Eat Bulaga at alam nating lahat na maraming trabaho si Bong sa senado.

Limang producer ang magkakasosyo sa pelikula nina Bong at Bossing kaya ito ang biggest movie ng 2010. Ang GMA Films, APT Entertainment, OctoArts Films, M-Zet Films, at Imus Productions ang mga produ ng Si Agimat at si Enteng na inaasahan na magiging number one sa box-office race kapag nagsimula sa December 25 ang Metro Manila Film Festival.

Dahil lima ang produ, ang pelikula rin nina Bong at Bossing ang pinaka-expensive dahil sa mga bonggang special effects.

* * *

Magkikita kami ni Tim Yap sa taping ng Tweetbiz. Tiyak na pag-uusapan sa aming show sa QTV ang isyu ng maling tweet niya na nag-win sa 6/55 Lotto ang broadsheet reporter na si Miko Morelos.

Nag-react na si Miko sa tweet ni Tim dahil marami ang humihingi ng balato at siyempre, natakot siya para sa buhay niya at ng kanyang pamilya.

Uusisain ko si Tim kung saan niya narinig ang balita na si Miko ang nag-win ng milyun-milyong piso.

Reporter si Miko ng isang broadsheet at siya lang ang nagsulat ng balita na napanalunan na ang P741 million jackpot prize. Hindi siya ang winner.

* * *

Nakakaloka pala ang pagtataray ng isang showbiz personality sa kanyang kasamahan sa work.

Personal as in super personal ang tirada ng showbiz personality sa clueless na aktres. Kung malalaman ng aktres ang mga paninira sa kanya ng showbiz personality, tiyak na masasaktan siya.

Pinaplastik lang ng showbiz personality ang aktres dahil pangit ang kanyang mga sinasabi kapag nakatalikod ang huli.

* * *

Binisita ko si Shalani Soledad sa dressing room niya sa studio ng TV5 noong Martes dahil may usapan kami na magkikita. Ang ending, nauna pa akong dumating sa Novaliches studio ng TV5.

Humahangos na dumating si Shalani dahil pumunta pa siya sa isang appointment pagkagaling niya sa hearing ng copyright infringement case na isinampa ng ABS-CBN laban kay Willie Revillame at sa TV5.

* * *

Interesado ang isang TV network na gawing artista ang anak ng mag-asawang artista. Ipinaubaya ko sa madir ng bagets ang pagdedesisyon dahil hindi ako sure kung interesado ang kanyang anak na umarte sa harap ng kamera.

Star material ang bagets pero iba yata ang hilig nito. Mas gusto yata niya na maging direktor dahil may kinalaman ito sa kanyang college course.

vuukle comment

DAHIL

EAT BULAGA

ENTENG KABISOTE

IMUS PRODUCTIONS

M-ZET FILMS

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MIKO

MIKO MORELOS

SI AGIMAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with