^

PSN Showbiz

Andrea, Best Acting Performance sa London

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Andrea, Best Acting Performance sa London
Andrea Brillantes.
STAR/ File

Nasulit ang pagsisid kasama ang butanding.

Wagi si Andrea Brillantes ng Best Acting Performance para sa kanyang pagga­nap sa pelikulang Laya sa 2026 ­Women and the World International Film ­Festival (WWIFF) sa London.

Kasunod ito ng media launch ng Laya the other night, na dinaluhan ng lead cast members - Andrea Brillantes, JC Santos, with direk Sigrid  Bernardino, ang pelikula ay nakakuha ng panibagong tagumpay sa international stage para sa pagganap sa pelikula ni Andrea bilang si Sab.

Nag-premiere rin ang Laya sa WWIFF, at ito lang ang Southeast Asian entry sa Feature Fiction Competition.

Ang WWIFF ay nagdiriwang ng independent cinema mula sa United Kingdom at sa buong mundo.

Pinagsasama-sama ng programming nito ang tampok na mga pelikula, dokumentaryo, short film, at mga ulat sa telebisyon na sumusuri sa mga umuunlad na tungkulin ng kababaihan sa kontemporaryong lipunan, na may mga salaysay na tumatalakay sa tunggalian, seguridad, pamumuno at mga pagiging masalimuot ng makabagong mundo.

Ang nasabing international filmfest ay ginanap mula Nov. 5 hanggang 12, 2026, sa London, na ikalawang-taon pa lang.

“Portraying Sab challenged me to explore the complexities of being human. Her journey is a mixed bag of pain, forgiveness, and finding the courage to choose compassion, which ultimately brings her to what she’s looking for in her life. Being recognized in a city like London is a milestone for and I’m grateful to Director Sigrid, our producers, and the production crew in helping me become Sab. I hope the audiences will resonate with Sab’s story, as much as I did,” pagbabahagi ni Andrea.

Tinanggap ni Andrea ang nasabing parangal at binanggit niya ang kanyang karanasan sa pagdalo sa festival sa London at panonood ng kanyang unang pelikula nang wala ang kanyang pamilya at mga kaibigan. “This is my first ever film, and traveling to London without my family and seeing the film for the first time without my friends, it was so hard for me because I didn’t know... I’ve always had this doubt if I was good enough, or am I doing too much?” pahayag niya habang tinatanggap ang parangal.

Kaya talagang worth it ang mga naging karanasan niya sa pelikula noong sino-shooting nila ito sa Oslob, Cebu, kung saan ang akala niya ay sumabog na ang kanyang tenga nang sumisid siya.

Ginampanan ni Andrea ang papel ni Sab, isang babaeng dumating sa isang tahimik na bayang nasa tabi ng dagat dala ang iisang layunin: ang maghiganti kay Tuki, ginampanan ni JC Santos.

Si Tuki ay isang dating bilanggo na itinuturing ni Sab na may pananagutan sa pagkamatay ng kanyang ama.

Bilang bahagi ng kanyang plano, lumapit si Sab kay Tuki upang magkaroon ng ugnayan sa kanya—isang hakbang para makapaghiganti. Ngunit habang lumalalim ang kanilang ugnayan, unti-unting nalilihis ang kanyang misyon.

Naiipit siya sa kagustuhang maghiganti at sa hindi inaasahang pag-usbong ng awa.

Nauna nang naikuwento ni Andrea na feeling niya kakainin siya ng whale shark habang sino-shoot ang Laya. “Ang laki po kasi talaga nila. Tapos kapag binuksan nila ‘yung (bibig).

“Talagang kasyang-kasya po ako.

“Maliit lang kasi ako eh, ‘di ba? So sabi ko, ‘oh my gosh.’

“Pero kinabahan po ako nu’n kasi sanay na sanay po ako na nagfi--freedive lagi kasama ang nanay po kasi ‘yun po ang bonding namin.

“Siya po ang freediving partner ko pero wala po si mama.

“And so walang nagga-guide sa ‘kin at walang nagtuturo sa ‘kin pa’no umawra sa gitna ng dagat.

“Oo, tapos may mga butanding pa.

“So, um, wala, ginawa ko lang po kung ano ‘yung alam ko at ‘yung kaya kong gawin.

“Pero naaalala ko po, umabot sa point na pumutok, parang pumutok na rin ‘yung tenga ko. Kasi maliban sa malaki po sila, so dahil nga malaki sila, malalim din ‘yung pinupuntahan nila.

“So kailangan ko ring lumalim, kailangan kong sumunod.

“And syempre, kailangan ko ‘yun gawin para sa shot.

“Lahat gagawin ko para sa magandang shot.

“So ‘yung eksena na lumingon po ako kasi may narinig ako.

“Feeling ko ‘yun ‘yung tainga po talaga.

“Parang pumutok talaga ‘yung tainga ko.

“Tapos naalala ko po na umakyat agad ako.

“Tapos umiiyak ako.

“And ‘yun lang yata ‘yung first time na nakausap ko ‘yung mama ko kasi in-isolate ‘yung sarili ko from everyone.

“Pero that time, kinailangan ko lang makausap si mama.

“I think one week na rin yata ‘yun na wala akong connection sa kanila.

“Kasi I just had to call her kasi natakot ako, first time ko nga again mag-freediving without my mom.

“And I really needed someone to comfort me that time.

“Pero all goods naman.

“Napanood ko po ang ganda.

“And worth it po. Worth it po,” buong kuwento ni Andrea sa ginanap na media conference the other night.

Kaya naman nagpasalamat din siya sa WWIFF sa pagkilala sa kanyang trabaho at binigyang-diin ang importansiya ng paglikha ng mas maraming pagkakataon para sa mga katulad niya : “Thank you so much for recognizing my talent. It means so much to me, and I wish we could all give more spaces like these for people, and for real talent to be recognized. Thank you so, so much.”

Samantala, tinanong siya kung paano niya nagagamit ang salitang laya sa sarili sa kasalukuyan. “Well, I’m really happy kasi, ngayon I don’t think naman it’s me being more free. I think mas tumatanda lang ako. Kaya ngayon, I’m more capable of deciding for myself kung anong role ‘yung mga gusto kong gawin.

“It’s been really fun and Tita SK (Shirley Kuan, her manager) has been really supportive.

“Really supportive and she’s been guiding me. So, masaya naman.

“Kakaiba din, e. ‘Yung pagpipili ng role ngayon na 23 ako, magkaibang-magkaiba po siyang process. Kasi nung bata ko na 10 years old ako, ngayon alam ko na kasi kung anong gusto ko, or anong hinahanap ko, or ano ‘yung kailangan ko for my career right now.

“So ayun po, mas intentional lang talaga ngayon kaysa before.”

At isa pang proof kumbaga na malaya siya ay wala siyang kinonsulta bago tanggapin ang pelikulang ito. “Nung time na ‘to, meron pong mga pini-pitch sa akin na movie. Tapos parang si Tita SK was just really waiting anong mapipili ko kasi nga, again, very supportive naman si Tita SK.

Isinulat at idinirek ni Sigrid Andrea Bernadino, ang Laya ay prodyus ng Rein Entertainment Productions, sa suporta ng Film Development Council of the Philippines sa pamamagitan ng kanilang CreatePH Large Budget Production Grant.

Mapapanood ito sa mga sinehan nationwide on Nov. 25.

JC

WOMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with