Pambubudol, inayos ni Coco!

Two-in-one ang epekto sa panonood ng maaksyong engkwentro ni Coco Martin sa Sigabo dahil tampok din sa serye ang mga mahalagang aral tungkol sa iba’t ibang napapanahong isyu matapos tulungan ni Coco si Gina Pareño mula sa pambubudol.
Tampok sa serye ang paghahatid ng kamalayan tungkol sa isyu ng pambubudol matapos tulungan ni Gabo (Coco) si Lola Anita (Gina) nang maloko ito sa isang investment scam kapalit ng malaking halaga ng pera.
Isa ito sa mga isyung tinatalakay sa serye kabilang ang naunang misyon ni Gabo na tungkol naman sa sindikato ng human trafficking sa mga kababaihan.
Mas marami pang kapana-panabik na misyon kontra krimen ang dapat abangan kay Gabo bilang undercover taxi driver dahil ibibida niya ang mas maangas na super taxi na may kakaibang high-tech at bulletproof powers na tutulong sa kanya sa bakbakan.
Bida rin ang pekeng misis ni Gabo na si Gloria (Julia Montes) sa kanyang tuluy-tuloy na pagtulong sa komunidad ng Ginintuang Lupa kung saan tutok naman siya sa pagligtas sa mga asong na-kidnap.
Napapanood ang aksyon, drama, at kilig sa Coco Martin’s Sigabo gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook ßat iWant.
- Latest




















