^

PSN Showbiz

Nadia may banta kay Alex

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Na-forward sa amin ang text message ni Nadia Montenegro kay Alex Gonzaga at sa tono ng mes­sage nito, mukhang galit sa isa sa mga hosts ng Juicy.

Heto ang text message ni Nadia na naka-CC kina Annabelle Rama, Sir Perci Intalan, Noel Fer­rer, EP Nelson, Moe T., at Jun Lalin: “Alex Gon­­­zaga, dis is Nadia, Anyka n Alyanas mom. My daughters r 14 n 16 yrs old. I have taught them to be respectful to all n to have gud manners. I wud rily appreciate it f u STOP CALLING THEM NAMES N STOP CRITICIZING MY KIDS. Nag-aral ka naman cguro. Pnalagpas ko wen u called YANA CAMEL TOE ON STAGE n FRNT OF EVE­RYBODY A FEW MONTHS AGO, 2DAY A LOT OF PPOL HEARD U CALL YKA PANGET. “Ma­galing nga sumayaw ang panget-panget naman.” May gina­wa ba mga anak ko s yo? Keep away frm them pls. Its nt a warning, it’s a request frm a mother protecting my children like u. They love u pa naman n luk up to u bt u hurt them. My chil­dren r educated. Nxt tym f u have issues w them cnfrnt me. They r minors. Stop insulting ppol coz ur nt perfect urself.”

Elmo may bagong tagahangang aktres

May nadagdag na namang aktres na fan si Elmo Magalona, pero dahil taga-kabilang network siya (hindi namin sasabihin kung Kapamilya o Kapatid), hindi namin siya pina­ngalanan. Ang sabi, pinapanood ng aktres na ito ang Party Pilipinas dahil sa young singer-actor at sinubay­bayan ang Red Mask video nina Elmo at Julie Ann San Jose.

Nagtapos na last Sunday ang Red Mask na three weeks ding tumakbo tuwing episode ni Direk Rico Gu­tierrez ng Party Pilipinas. Manood pa kaya ang aktres ng show ng GMA 7?

Rhian Ramos at Mo Twister hiwalay na!

Break na sina Rhian Ramos at Mo Twister, pero ’pag tinanong ang dalawa, isasagot nilang paano sila nag-break kung walang inaming relas­yon? Pero dahil maayos ang sagutan nila sa Twitter, kung totoong break na sila, nanatili silang magkaibigan.

Anyway, busy pa rin si Rhian sa Ilumina at sa epi­­sode mamaya, tutuksuhing baliw ng mga bata si Romana (Rhian) at dadalhin sa mental hos­pital, pero tumakas nang awayin ng ibang pasyente.

Puro peklat

Pinaka-grabe pala ang kagat ng lamok kay Aki­hiro Sato habang nasa isla sila sa Thailand para sa Survivor Philippines : Celebrity Show­down. ’Yung ipinakita nitong sugat sa leg niya sa press­con ng reality show ay na-infection at kina­ilangang operahan. Si­na­­got ng GMA 7 ang ope­rasyon sa binti ng binata.

Ikinuwento ni Solenn Heussaff kung paano ma­nga­gat ang green na mga lamok na bukod sa nanga­ngagat, nag-iiwan pa ng itlog sa parte ng katawang kinagat at ’yun ang nag­­palala sa mga sugat nila. Hindi rin basta na­ma­ma­tay ang mga lamok at kailangang tirisin ng husto.

Kaya pala may peklat ang kagat ng lamok sa mga castaways at puting peklat ang nakita namin sa mga braso nina Solenn, Akihiro, Michelle Madrigal at sa iba pang castaways.

vuukle comment

ALEX GON

ALEX GONZAGA

ANNABELLE RAMA

CELEBRITY SHOW

MO TWISTER

PARTY PILIPINAS

RED MASK

RHIAN RAMOS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with