^

PSN Showbiz

Aktres nag-iba ng mundo nang magpalit ng relihiyon

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Inamin ni Judy Ann Santos na ini-level niya ang sarili kay JC de Vera kaya hindi nagmukhang pamangkin niya ang aktor na leading man niya sa Hating Kapatid.

Ano   naman ang masa­sa­bi niya kay Sarah Ge­ro­nimo na kapatid niya sa pe­likula?

“Hindi mahirap ma­halin si Sarah dahil simple siya at mababaw ang ka­­­­liga­­yahan. Bukod kay Sha­ron Cu­neta, gusto ko siya at tulungang ma­alagaan ang career,” aniya. Inaabangan na ang Hating Ka­patid na ipalalabas na sa July 21 mula sa Viva Films.

* * *

Saludo rin si Sarah kay Juday at sinabing mami-miss niya ang kuwentuhan nila, tawanan, kainan sa set ng Hating kapatid.

Sabi nga nito : “Si Juday ay ilan lang sa mga pi­na­­kamabait na artistang nakilala ko dahil sincere siya at magandang makipagkaibigan. Kapag naka­kausap ko siya ay lagi siyang nagbibigay ng advice. It’s really a blessing na dumating ang project na ito dahil nagkalapit kami ng loob ni Juday.”

* * *

Pumapailanglang na sa mga radio stations ang awitin ni Marvin Ong na contract artist ng Viva Records na Panaginip na inaasahang maghi-hit sa recording chart.

Unang dinig pa lang ni Boss Vic del Rosario sa tinig ni Marvin ay kinontrata na agad ito dahil naniniwala siya na malayo ang mararating ng singer dahil napakagaling nitong kumanta.

* * *

Magaling na TV host ang aktres na ito na nalinya ngayon sa drama. May nagbulong sa akin na sapul nang mag-iba ng relihiyon ang aktres ay tila naging mailap ito sa mga press people. Dati-rati kasi ay palabati siya at nakikipagkuwentuhan sa mga reporter. “Ngayon parang may sarili na siyang mundo, ” anila. May kapatid siyang sikat din sa showbiz.

vuukle comment

HATING KA

HATING KAPATID

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

MARVIN ONG

SARAH GE

SHY

SI JUDAY

VIVA FILMS

VIVA RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with