Beatbox Gor, first Hall of Famer na ba?
MANILA, Philippines - Siguradong intense at punung-puno ng tensiyon ang episode ng TV5’s Talentadong Pinoy this Sunday dahil magpapasya na ang audiences at ang jury kung ang amazing human beatbox na si Beatbox Gor na ba ang magiging kauna-unahang Talentadong Pinoy Hall of Famer ngayong season.
Born Raenny Yvan W. Santiago sa Davao City, talagang kahanga-hanga ang 24 year-old na si Beatbox Gor dahil sa kanyang pakikipagsapalaran at pagsunod sa kanyang passion for his beatbox talent sa kabila ng pagkakaroon ng very different line of work bilang isang registered nurse na nagtatrabaho ngayon bilang isang call center agent sa kanyang hometown.
Ayon sa 24 year-old beatbox champ, talagang pursigido siyang maibsan ang financial problems ng kanyang pamilya.
Unang napahanga ni Beatbox Gor ang milyun-milyong manonood, ang talent scouts, ang jury, pati na rin ang host na si Ryan Agoncillo sa kanyang amazing human beatbox performance sa show noong Abril. Ilang mahuhusay na contestant na rin ang napatumba ng kanyang powerful beatbox voice.
Si Beatbox Gor na nga kaya ang magiging first ever Hall of Famer ng Talentadong Pinoy this season? Alamin at panoorin ‘yan on this Sunday’s (June 6) phenomenal episode of Talentadong Pinoy, 7:30PM on TV5.
- Latest


























