Tambayan na sa Internet na
MANILA, Philippines - Magbalik tanaw sa 12 makukulay na taon kasama ang 101.9 sa espesyal na album handog ng Tambayan 101.9.
Balikan ang mga kantang namayagpag sa yearend hit charts ng Kapamilya FM station simula 1996 hanggang 2007 at pakinggan ang bago nitong mga bersiyon na ngayon n’yo lang maririnig.
Ilan sa mga dapat abangan ay ang pag-awit ni Aiza Seguerra ng classic hit ni Celine Dion na My Heart Will Go On, Dadalhin ng 6CycleMind, Rainbow ng Moonstar 88, Love Moves in Mysterious Ways ni Toni Gonzaga at Hawak Kamay ni Bugoy Drilon.
Kabilang din sa album sina Erik Santos, Sopiz, Syato, Pale Yellow Light, Paraluman at Juris ng MYMP.
Isa lamang ang espesyal na album sa paraan ng pagpapasalamat ng Tambayan 101.9 sa masusugid nitong tagapakinig. Kamakailan, inilunsad na rin ng istasyon ang Tambayan TV (www.tambayan1019.com http://www.tambayan1019.com) kung saan mapapanood ang mga kaganapan sa radio booth live via internet at ang Tambayan HD kung saan mas malinaw ang reception at may dalawang dagdag na istasyon pang pwede pagpilian maliban pa sa live feed ng Tambayan 101.9 gamit lamang ang HD radio unit.
Ang Tambayan 101.9 album ay mabibili na sa mga record bars nationwide. Para sa mga musikang bumubuo sa soundtrack ng buhay mo, patuloy lang na tumambay at makinig sa Tambayan 101.9.
- Latest


























