^

PSN Showbiz

Rufa Mae masaya na hindi na-link kay Pacman

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

 “Nasa poster naman ako,” ang pabirong (pero hindi ngumingiti) sagot ni Rufa Mae Quinto nang usi­sain ng press kung ano ang feeling niya na siya ang leading lady ni Manny Pacquiao sa Wapak­man, pero si Krista Ranillo ang mas napag-uusapan?

Masaya si Rufa Mae na for a change, hindi siya ang na-link kay Manny at respeto na rin niya ito sa pamilya ng kapareha. Hindi niya na-feel na nagpa­ram­dam sa kanya si Manny dahil friends sila. Puro papuri siya rito dahil mabait, down-to-earth, at mahilig magdasal.

Inurirat si Rufa Mae sa nabalitang pagpa­pakasal niya next year and definitely, hindi sa early part ng 2010 dahil puno ang calendar niya up to May 28, her birthday. Lalabas siya sa January ang February issue ng FHM na third time na siyang cover at nag-pictorial na siya.

Sa February, lalabas ang album niya sa Viva Records entitled Rufa Mae Tats Your Heart dahil collaboration nila ito ng composer na si Tats Faustino. Sinulat naman nila ng pamangkin niya ang Shining Through the Rain. Sa birthday niya, may major concert siya at dahil ayaw maging June bride at ayaw ng December wedding, between July to November natin ie-expect and pagpapakasal ni Rufa Mae sa BF niyang six years older than her.

* * *

Hindi lang director at artista si Eric Quizon ng Nobody… Nobody But Juan na pinag­bibidahan ng amang si Dophy at entry sa Metro Manila Film Festival, moderator din siya sa presscon na ginawa sa Regal Films bilang suporta naman nina Mother Lily Monteverde at Mr. Remy Monteverde kay Dolphy at sa buong cast.

Sabi ni Eric, part ng 65th year sa showbiz ng ama ang pelikula at may mga naka-line up pang activities to celebrate his dad’s anniversary as entertainer. Isa rito ang Rock and Rebuild concert na gagawin kundi March ay April sa may Metrowalk at tie-up ng Habitat for Humanity. Tutulong sila sa mga nawalan ng bahay sa bagyong Ondoy at Pepeng. 

Ayon kay Eric, may semblance of truth ang story ng Nobody…, dahil may part ang movie na kuha sa buhay ng ama. Ikinumpara nito sa pagdidirek sa isang master ang pag­didirek sa ama.

 “Mahirap idirek ang isang tao na alam mong master siya at 65 years na bilang entertainer. Paano mo tuturuan ang taong ’yun?”

Titingnan muna ni Eric ang magiging resulta ng Nobody…, bago siya mag-isip ng next project pero marami pa siyang gustong gawin at mag-contribute sa movie industry.                           

* * *

Masaya si Sen. Manny Villar na marami ang nagagandahan sa info­mercial nila ni Michael V. na MV on MV. Different characters ang gina­gam­panan ni Michael V. sa different versions ng infomercial at pinakagusto namin ay ’yung female student ang comedian.

Maganda ang sagot ni Sen. Manny sa sabi ng press na mas nangibabaw siya over Erap pagdating kay Dolphy. Sabi ni Sen. Manny: “Hindi naman, matibay din si Erap dahil siguro kababayan ko sa Tondo si Dolphy, kaya ako ang sinuportahan niya.”

Mag-best friends at magkumpara pa sina Michael V at Ogie Alcasid, pero siguro naman hindi maapektuhan ang friendship nila kahit magkaibang presidentiables ang kanilang sinusuportahan. Kung maka-Villar si Michael V., maka-Sen. Noynoy Aquino naman si Ogie.

Bukod kay Sen. Loren Legarda, dumating din sa Christmas party for the press ni Sen. Manny sina Gilbert Remulla, Atty. Gwen Pimentel na nasa senator line up ng Nacionalista Party at si Arnel Querubin, anak ni Col. Querubin na tatakbo ring senador sa tiket ni Sen. Manny.

* * *

Mapapanood na starting this Saturday, 4:00 PM sa Q Channel 11 ang behind-the-scene stories ng all-female K-pop group sensation na 2NEI — a South Korean hiphop girl troupe created by YG Entertainment at kung saan member si Sandara Park.

Sinundan ang 2NEI 24/7 from their rehearsals to the release of their first mini-album. Ang 2NEI ay isa sa mga all-female groups na sikat ngayon sa South Korea at kalaban ng Wonder Girls.

ARNEL QUERUBIN

DAHIL

DOLPHY

MANNY

MICHAEL V

NIYA

RUFA MAE

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with