^

PSN Showbiz

Aktor dapat magkulong sa banyo

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Walang dudang magaling ang aktor bukod pa sa pagiging guwapo at mabait. Kaya lang napuna ng de kalibreng aktres na may speech defect ito na parang maiksi ang dila.

May payo ito para sa young actor : “Magkulong siya sa banyo at 25 times na bigkasin nang paulit-ulit ang mga salitang nahihirapan siyang bigkasin. Lakasan niya ang boses. Malaking tulong ito dahil nagawa ko na ito noon. Nahihirapan akong magsalita ng Tagalog gaya ng paglalangoy, paglalaba kaya nagkulong ako sa banyo at twenty five times ko itong binibigkas at natuto ako. Kaya siguro pwede itong gawin ni ——— (pangalan ng aktor),” sabi ng aktres na isang Ilongga kaya hirap mag-Tagalog.

* * *

Ayon kay Jason Abalos, na isa sa mga leading men ni Maja Salvador sa Nagsimula sa Puso, ibang-iba na ang aktres. Malaki ang kanyang ipinagbago mula sa pa-cute na role at ngayon ay mapapanood sa isang mature at seryosong karakter.

“Ilang beses ko na rin siyang nakapareha sa teleserye at maganda ang chemistry naming dalawa kaya nga nabigyan uli kami ng proyekto gaya nito. Ibang atake naman ang gagawin namin dito ni Maja at challenging ang role na gagampanan namin,” sabi ni Jason.

* * *

Alagang-alaga ngayon ng Star Magic si Kristel Moreno dahil panay ang TV guesting nito gaya sa Sharon.

Napansin na si Kristel ngayon ng mga executives ng Star Magic dahil bukod sa maganda ay seksing-seksi ang 18-year-old na young actress. Four years old pa lang ito nang pumasok sa showbiz at ’di nakapagtataka na namana rin nito ang kahusayan sa akting sa kanyang tiyahing si Alma Moreno at Mark Anthony Fernandez.

Saludo sa kanya si Direk Joey Romero sa indie film na Pitas dahil pinapalakpakan ito pagkatapos ng madramang eksena sa shooting ng movie.

Walang hindi gagawin si Kristel para maabot ang tagumpay.

* * *

Bitin na bitin ang mga kasambahay namin sa panonood ng Rosalinda (Carla Abellana) lalo na ang aking ina dahil hindi pa rin masabi ni Paloma na siya si Rosalinda sa mga pinakahihintay na eksena.

Noong walang malay si Fernando Jose (Geoff Eigenmann) nang maaksidente ay sinabi na ni Paloma na siya si Rosalinda pero hindi naman siya naririnig nito. Sa ikalawang pagkakataon ay sasabihin na naman niya na siya si Rosalinda pero nabaril naman si Fernando Jose at sa ikatlong pagkakataon habang nasa ospital ang minamahal ay dumating si Fedra (Katrina Halili) at sinabunutan niya si Paloma/Rosalinda.

vuukle comment

ALMA MORENO

CARLA ABELLANA

FERNANDO JOSE

GEOFF EIGENMANN

JASON ABALOS

JOEY ROMERO

KATRINA HALILI

KAYA

ROSALINDA

STAR MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with