^

PSN Showbiz

Kita sa isang sinehan P5,000 lang, pelikula ng aktor first day last day

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Gagawa ng pelikula sa Taiwan si Alessandra de Rossi entitled Pinoy Sunday at Taiwanese rin ang director niyang si Ho Wing Ding. Kasama sa cast sina Meryl Soriano, Bayani Agbayani at Epy Quizon. Comedy ang pelikula at tungkol sa buhay ng OFWs sa Taiwan.

Mula August 1-8 ang shooting ni Alex at dapat mas maaga siyang pupunta sa Taiwan for familiarization, hindi lang niya magawa dahil lagare siya sa taping ng Tayong Dalawa at Agimat. Walang sasayanging oras sa Taiwan ang aktres, magsu-shooting agad siya pagdating niya para makauwi on schedule sa Pilipinas dahil marami siyang trabaho.

Una nang gumawa ng pelikula sa Singapore si Alex, horror film na napalabas din dito, kaya hindi na bago sa kanya ang mag-shooting sa ibang bansa. 

* * *

Disappointing ang first day gross ng pelikula ng isang actor. Lahat nang sinehang pinaglabasan ng kanyang pelikula, hindi man lang umabot ng P10,00O ang box-office gross. At may ibang sinehan na hindi umabot ng P5,000 ang kinita ng pelikula buong maghapon.

May iba ring sinehan na first day, last day ang movie at kinailangang i-pull out dahil walang nanonood. Sabagay, sa premiere palang ng movie, na-feel na ng mga nakapanood na hindi ito magugustuhan ng viewers dahil may mga nag-walkout na. Nakadagdag pa sa kawalan ng interes ng moviegoers ang naglabasang negative movie reviews.

Sana lang, hindi tamarin ang actor na patuloy na gumawa ng pelikula kahit lugi ang producer sa huli niyang pelikula. Makaka-jackpot din siya, ‘pag right project at right role ang kanyang gawin. May araw din sa kanya ang mapipiling moviegoers na ‘yan!

* * *

Kumalat sa Internet ang pictures ng Are You The Next Big Star? female contender na si Alexa Ortega na parang dinidilaan ang face ng kaibigang babae at may isa pa siyang picture na anyong hahalikan ng kasamang guy sa picture. Walang dapat sisihin ang dalaga sa pagkalat ng kanyang mga litrato dahil galing ang mga ‘yun sa Facebook account niya.

Tila late na ang paalala ng isang reporter kay Alexa na dapat nilinis muna niya ang kanyang account, inalis ang dapat alisin bago siya sumali sa contest para walang gamiting isyu sa kanya. Pero, hindi bothered si Alexa dahil ‘yung kahalikan niyang guy ay co-actor niya sa stage play na ginawa at close friend din niya ang girl na didila sa face niya.

Hindi man manalo sa singing search ng GMA-7 si Alexa, puwedeng mag-artista dahil maganda, magaling magsalita at may acting experience na. Feel nitong pinagkakaguluhan siya sa mall tour nila at natutuwa kesa mainis ‘pag kunukurot ng fans.

May tribute kay Michael Jackson ang Are You The Next Big Star? at songs ng King of Pop ang kakantahin ng 10 contenders. Ang I’ll Be There ang kakantahin ng dalaga at tingnan natin kung magugustuhan ng text voters ang kanyang version.

vuukle comment

ALEX

ALEXA

ALEXA ORTEGA

ARE YOU THE NEXT BIG STAR

BAYANI AGBAYANI

BE THERE

DAHIL

EPY QUIZON

PELIKULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with