^

PSN Showbiz

Aleck Bovick 'pinaglaruan' sa Senado

-

MANILA, Philippines – Saglit lang ‘yun pero sumikat ang pangalan ng dating sexy star na si Aleck Bovick sa bulwagan ng Senado kamakalawa.

Napag-usapan si Aleck ng mga mambabatas nang magbigay si Senador Loren Legarda ng privilege speech na bumabatikos sa panlalait ng Hollywood actor na si Alec Baldwin sa mga Pilipino.

Idinulog ni Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri ang talumpati ni Legarda sa Committee of Women ng Senado.

Sa sesyon pa rin, pabirong tinanong ni Senate Pro Tempore Jinggoy Estrada si Zubiri kung ang pinatutungkulan nito ay si Aleck Bovick.

Isinagot naman ni Zubiri, “Kilala ko si Aleck Bovick dahil personal ninyo siyang kaibigan pero ang tinu­tukoy ko ay si Alec Baldwin.”

Pinabulaanan iyon ni Jinggoy. “Hindi ko siya kaibi­gan,” sabi ng senador na nagpatawa sa ibang mga senador at ibang mga tao sa session hall.

Dahil dito, tumayo si Legarda at tinanong kung sino si Bovick.

“Mr. President, humihingi ako ng paumanhin pero wala akong gaanong alam sa showbiz. Kapanahunan ko lang sina Nora Aunor at Vilma Santos. Sino si Aleck Bovick,” tanong ng senadora kay Jinggoy na siya ring presiding officer nang oras na iyon.

“Kilalang-kilala siya ng Majority Leader,” sabi ni Jinggoy. Ang sagot ni Zubiri, “Kilala ko?”

Inamin naman ni Jinggoy na nakilala niya si Bovick sa isang okasyon kasama si Senador Ramon Revilla Jr.

Sinabi naman ni Zubiri na pinabulaanan ni Revilla ang sinabi ni Jinggoy.

Ha ha ha!

At least, wala man career si Aleck na ngayon ay super taba na, may recall pa rin naman ang pangalan niya.

vuukle comment

ALEC BALDWIN

ALECK

ALECK BOVICK

BOVICK

COMMITTEE OF WOMEN

JINGGOY

KILALA

LEGARDA

MAJORITY FLOOR LEADER JUAN MIGUEL ZUBIRI

ZUBIRI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with