^

PSN Showbiz

Paolo Contis inuubos ang datung sa babae

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Hindi si Mark Herras, kundi si Jeff Tan ang umano’y pinatutungkulan ni Paolo Contis na recent ex-boyfriend ni Lian Paz na siyang ‘’prophet of doom’ sa buhay pag-ibig nila ng naturang EB Babes member.

Ang Jeff daw na ’yon ang siyang nagkakalat, or at least from his camp na hindi raw bagay sina Lian at Paolo. But Paolo, who had also recently broken with his girlfriend Isabel Oli, remains unaffected, bagkus ay lalo pa raw nahuhulog ang kanyang loob kay Lian.

‘‘We’re getting there,’’ pagbibigay-hint ni Paolo sa istado raw ngayon ng relasyon nila ni Lian, ito’y sa kabila ng kanilang recent Macau and Boracay trips and their public display of affection.

On their way inside the Startalk studio for their live guesting ay nasa harapang nakatutok sa kanila ang camera ng 24 Oras (for Lhar Santiago’s Tsika Minute News Time) habang magka-holding hands. When already seated before the four Startalk hosts ay pasimple ring magkahawak ng kamay sina Paolo at Lian yet they’re getting there.

Kilala bilang galante si Paolo sa kanyang mga girlfriend, and as his manager Lolit Solis puts it, ‘‘Si Paolo, ’yan ’yang willing sugar daddy. Ewan ko ba naman sa baklang ’yon, guwapo naman, pero inuubos ang datung niya sa mga babae!’’ Proof that the actor is a lavish gift-giver, huwag tawaran ang mga mamahaling handbag na naibigay niya kay Isabel during their happier times, the cheapest of which can fetch a little more than a hundred thousand pesos.

Against all odds, nakikita naman kina Paolo at Lian that they’re out to prove there detractors wrong. His pagiging galante set aside, Paolo’s most endearing quality is his sense of humor.

* * *

Hindi naman pala palaging may violent streak ang young actor na ito pag nalalasing. More often, ‘‘sex trip’ ang epekto sa kanya ng alak, either sa babae or what else, bading, mga ining!

A brew hound (read: lasenggo) myself, isang veteran writer ang nakatsika ko, out of nowhere ay biglang naging paksa ng aming usapan ang aktor na ’yan. Alam mo, Ron, magwawagi ka sa kanya,’’ referring to the unshaven actor, ‘‘lasingin mo lang siya, bibigay ’yun.’’

Sagot ko: ‘‘Ibig n’yong sabihin, babae na ang tingin niya sa akin?’’ Wala raw ganu’ng ‘optical illusion’ ang aktor, ke babae or bading daw ay bumibigay ito paglasing.

Almost convinced, parang magdadalawang-isip ako sa suggestion ng aking kausap. Kamakailan lang ay nakatawag-pansin ang ginawang pagbabato ng bote ng beer ng aktor na ’yon pagkatapos ng inatenang presscon.

Getting injured before sex? Hindi ko pinangarap.

vuukle comment

ANG JEFF

BUT PAOLO

ISABEL OLI

JEFF TAN

LHAR SANTIAGO

LIAN

LIAN PAZ

LSQUO

PAOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with