^

PSN Showbiz

Angel na-out of place kina Richard at KC; Nasa ‘Pinas lang Patrick hindi totoong nasa Amerika?

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nailang ang fans nina Richard Gutierrez at Angel Locsin nang mapanood nila kahapon ang ASAP.

Nag- promote sina Richard at KC Concepcion sa ASAP ng For The First Time at sina Angel at Piolo Pascual ang nag-interbyu sa kanila.

Nailang at nanibago ang fans nina Richard at Angel dahil nasanay sila sa loveteam ng dalawa.

Hindi na raw sana naki-join si Angel sa pag-iinterbyu kina KC at Richard dahil parang out of place siya, porke knows ng lahat na siya ang dating love interest ni Richard.

Nag-e-emote ang fans ng Richard-Angel dahil nagmukhang suporta raw si Angel, lalupa’t nagmu­mura ang chemistry nina Richard at KC.

* * *

Kung may Richard-KC sa ASAP, may Dingdong Dantes at Marian Rivera sa SOP. Kung super-promote sina Richard at KC sa opening day ng For The First Time sa August 27, super promote din sina Marian at Dingdong ng birthday show nila sa Araneta Coliseum na gaganapin din sa August 27.

Star-studded ang birthday show nina Marian at Dingdong dahil suportado ito ng mga artista ng Kapuso network.

Ubos na ubos na ang complimentary tickets dahil taken na ang lahat ng upuan sa Araneta Coliseum, mapa-bleacher man, upper box o lower box!

* * *

Matunog na Kristina ang tawag ni Piolo Pascual kay KC Concepcion. Never siyang narinig na tina­wag na KC ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Na-link dati si Piolo kay KC pero kusang namatay ang isyu dahil bumalik si KC sa  Paris para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Ang tanong, bakit Kristina ang tawag ni Piolo kay KC? Wait na lang tayo sa sagot ni Piolo dahil sigu­radong may mga reporter na magtatanong sa kanya tungkol sa napakapormal na pagtawag niya sa name ni KC.

* * *

 Sineryoso ng ibang tao ang biro ko na magpa­pakuha ng litrato si Mark Herras habang karga-karga niya ang anak nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia.

Biro lang ‘yon ‘no! Hindi naman papayag si Mark na mag-pose na karga ang anak nina Patrick at Jennylyn. May respeto siya kay Patrick ‘huh!

Hindi pa nga nakikita ni Mark ang itsura ng baby na carbon copy daw ni Patrick. Hindi tama na mauna pa si Mark na makita ang bagets kesa tunay na ama nito.

Teka, nasaan na nga ba si Patrick? Bakit  naka­ka­bingi ang kanyang kata­­himikan? Bakit may mga balita na naririto la­mang si Patrick sa Pili­pinas as in hindi true na nagpunta siya sa ibang bansa?

* * *

Hindi nabakante si Maxene Magalona dahil nang matapos ang Ka­man­­dag, nagkaroon agad siya ng bagong project sa GMA 7, ang TV remake ng Una Kang Naging Akin.

Kasama ni Maxene sa cast sina Angelika dela Cruz, Wendell Ramos, Alfred Vargas at LJ Moreno.

Sina Gabby Concepcion, Sharon Cuneta at Dawn Zulueta ang original stars ng movie version ng Una Kang Naging Akin.

As usual, ipinapanood sa cast ng TV remake ang DVD copy ng Una Kang Naging Akin para may idea sila sa mga papel na gagampanan nila.

  Ang Una Kang Naging Akin ang ipapalit sa timeslot ng Magdusa Ka na malapit nang magbabu. Huling linggo na ng Magdusa Ka sa Kapuso network.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

CENTER

DAHIL

RICHARD

SHY

UNA KANG NAGING AKIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with