^

PSN Showbiz

‘Wag na lang ibentang loveteam

- Veronica R. Samio -

Dapat sigurong hindi na ibenta ng Star Cinema bilang loveteam sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na magkatambal sa unang pagkakataon sa A Very Special One. Obvious kasi na hindi pa komportable si Sarah na gumanap sa isang love story, na mas hindi sa oo na papayag siyang magkaro’n ng  kissing scene, kahit pa kay John Lloyd.

Nakakaintindi na naman ang mga manonood ngayon. Hindi kailangang maging magkarelasyon ang dalawang artista para suportahan ng manonood ang kanilang pelikula. Sapat na sa kanila na maganda ang istorya at believable ang mga artista sa kanilang mga roles.

Maaring mature na si Sarah at 19 pero kulang pa siya sa karanasan para makagawa ng isang kabilib-bilib na love story, pwera na lamang siguro kung talagang mahusay mag-motivate si director Cathy Molina at makikipag-cooperate si Sarah, hindi siya mahihiya.

Mukha namang napaka-light ng kwento tungkol sa isang babae who dreams, who wants to be more than what she is now at isang lalaki na mayaman, guwapo, matagumpay na negosyante. Kung paano sila mai-in love sa isa’t sa, ito ang magsisilbing hamon sa direktor.

* * *

Pinahanga ng mag-dyowang Angelica Panga­ni­ban at Derek Ramsey ang mga manonood ng TV sa isang naiiba at natatanging episode ng Maalaala Mo Kaya kagabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, sa ilalim ng direksyon ni Jeffrey Jeturian. Nakasama rin nila ang leading man ni Roxanne Guinoo sa Ligaw na Bulaklak na si Sid Lucero na very active ang TV career ngayon.

Deglamorized ang dalawa bilang magka­relasyon sa ilalim ng lungkot at pangungulila at paghahanap ng pagmamahal. First time daw ni Derek na gumanap sa ganitong papel, which he enjoyed immensely. Ipinakitang muli ni Angel dito ang kanyang versatility. Pinaghahandaan ni Angel ang upcoming teleserye niya with Claudine Barretto, ang Iisa Pa Lamang.

Si Derek naman na fresh from his victory sa international frisbee tournament na nilahukan niya sa China ay abala rin sa paghahanda niya para sa nurserye (???) na pagtatambalan nila ni Judy Ann Santos.

* * *

Hindi kaya mapahamak si Lolit Solis sa pagpa­yag niyang sumalang sa lie detector test bukas sa Showbiz Central?

Mukha talagang ’di patatalo ang nasabing prog-r­ama dahil di lang nila bisita si Annabelle Rama, may mga tao ring live sa studio na magbubunyag ng mga sikreto nito.

Si Manny Pacquiao mismo ang magugulat ng blow by blow na detalye sa magiging laban nila ni David Diaz, live from the US.

Tatlo pa lamang ito sa dapat n’yong tutukan bukas ng hapon sa SC.

* * *

[email protected]

vuukle comment

A VERY SPECIAL ONE

ANGELICA PANGA

ANNABELLE RAMA

CATHY MOLINA

CLAUDINE BARRETTO

DAVID DIAZ

DEREK RAMSEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with