^

PSN Showbiz

Vina, walang proyekto sa Dos

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Umalis na naman para kumanta sa Canada  si Vina Morales.

Marami ang nagtataka kung bakit ang isang mahusay na aktres at magaling na singer/performer na tulad niya ay halos walang proyekto sa ABS-CBN maliban sa ASAP.

Itinanggi nito na kaya siya walang  proyekto ay dahil madalas siyang nasa abroad. Umaalis daw siya dahil wala naman siyang ginagawa rito.

* * *

Tanong ko sa bayan, gusto n’yo bang makulong si Lolit Solis? Sari-sari kasi at iba-iba ang mga nagaganap sa ating lipunan ngayon at maging sa showbiz na hindi na natin pinapansin dahil kung minsan naman sa sarili nating bakuran nagsisimula ang mga usap-usapan na lumalabas lamang at pini-pick up ng marami. Sa tagal ni Lolit sa showbiz, ’di kaya kahit papaano ay nakatulong din sa kanila ito? Yung usap-usapan na pinagmulan ng kaso, kung sino man ang may pagkakamali dito, konsensya na lamang ang iiral.

Basta ako naawa sa aking friend na si Vero (Samio, dating editor dito) kung kailan nag-retire na at gustong mamuhay ng tahimik at saka pa nadamay sa gulo. Kung kilala mo siya, maiintindihan mo na lang kung bakit siya nagugulo at nahihilo sa maraming hearing na dinadaluhan niya.

* * *

Marami ang nagtatanong sa akin kung paano natatanggap ni mega (Sharon Cuneta), itinuturing kong anak-anakan sa showbiz, ang pagtatagpo ng kanyang anak na si KC, inaanak ko naman sa binyag at ng ama nito na si Gabby Concepcion na katulad ni Sharon ay inanak ko sa kasal noon. Lahat ay nag-oobserba at naghihintay ng kaganapan sa pagbabalik niya ng bansa. Nakapag-sorry na kasi si Gabby, reaksyon na lamang niya ang hinihintay.

* * *

Nakabalik na ang grupo na pumunta ng Europa (Jolina Magdangal, Rufa Mae Quinto, Dennis Trillo, Mark Herras, Rhian Ramos, Noel Ferrer, Joey Abacan) para sa shooting ng ITALY ( I Trust and Love You). Smooth daw ang naging pagtatrabaho nila, walang hassle kahit na hindi nakasabay sa kanila si Dennis at ang manager nito.

Aba, mukhang may na-rekindle kina Dennis at Peachy (Rufa Mae) ha? Walang masama, pareho naman silang libre ngayon. Si Jolina, aba mas maganda ngayon. Mukhang na-inspire dahil for a while, nakasama niya dun ang boyfriend niya. Kailan kaya ako maiimbita sa kasal mo, Jolens? Bilis, na! Can afford ka nang mag-marry. Na-reach mo na yung point na hindi na maaapektuhan ang career mo ng status mo sa buhay, sa kung dalaga ka o hindi, tanggap na ng mga fans mo ang boyfriend mo at feeling ko happy ang lahat sa relasyon n’yo.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

GABBY CONCEPCION

I TRUST AND LOVE YOU

JOEY ABACAN

KUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with