^

PSN Showbiz

Singer biglang nakalimot

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Lalaki ang tampo ng mga dating kababata at kaesku­wela ng isang baguhang singer. Noon daw kasing hindi pa siya nagkakapangalan ay palagi pa siyang nakakasama ng mga ito, pero ngayon ay parang hindi na niya kilala ang mga kababata niya, kapag tinatawagan daw siya ng mga ito ay ni hindi siya sumasagot sa telepono.

Sabi ng isang nagtatampong kaibigan ng female singer, “Nakakapagtampo lang dahil dati, kami-kami ang magkakasama kapag wala kaming klase. Hard-up sila noon, kaya kami ang sumasagot sa mga toka niya kapag wala siyang maipambibigay.

“Mahilig na talaga siyang kumanta noon, siya ang pambato ng school namin sa kantahan, mabait din siya. Marunong siyang makisama, wala siyang ere, kaya nagtataka kami ngayon kung bakit ganyan na siya.

“Kapag tumatawag kami sa kanya, PA na niya ang sumasagot. Kundi may meeting siya, merong performance. Palaging ganun, parang palagi siyang nasa stage kaya hindi niya puwedeng sagutin ang calls namin.

“Biruan nga naming magkakaibigan ngayon, baka one day, magulat na lang kami. Naka-confine na pala siya dahil sa kawalan ng boses. Parang wala na kasi siyang pahinga, parang all the time na lang, kumakanta siya,” pilosopong sabi ng dating kaklase at kaibigan ng baguhang female singer.

May duda ang mga ito na ang mga taong nakapaligid sa singer ang dahilan kung bakit malayo sa kanila ngayon ang female singer, hindi raw kasi ganun ang pagkakilala nila sa kanilang kaibigan, nagu­gulat sila sa inaasal ngayon ng female singer na produkto ng isang reality show.

Kahit naman sa showbiz ay may mga nagrereklamo rin sa big­laang pagbabago ng ugali ng female singer, mahina rin siyang ma­ka­tanda ng pangalan ng mga reporters, kaya lagi siyang sumasablay.

“Parang may attitude problem na siya ngayon, mismong mga kasamahan niya ang nagsasabi na kapag kaharap nila ang mga bossing, e, wala siyang sinasabing kahit ano, tahimik lang siya.

“Pero kapag wala na ang mga bossing nila, marami na siyang reklamo, kung anu-ano na ang pinagsasasabi niya. Bakit hindi siya magsalita kapag nandun ang mga boss nila, bakit kung kailan wala na, saka siya reklamo nang reklamo?” kuwento ng isang manager na laging nakakasama ng female singer.

Paminsan-minsan siguro ay kailangang bigyan ng panahon ng female singer na ito ang kanyang mga kababata, ang mga ito talaga ang unang-unang nagtatampo kapag nagkakapangalan na ang isang personalidad, dahil ang mga ito rin ang nakakaalam ng tunay na kuwento ng kanyang buhay.

Sana’y makahawak-kamay pa rin ng mga dati niyang kaibigan at kamag-aral ang female singer na ito, para hindi siya nasasabihang yumayabang na, para mas maraming maging maligaya sa kanyang tagumpay.

* * *

Tumawag sa amin si Manny Pacquiao nung Sabado nang hapon, kararating lang daw niya sa Los Angeles galing sa San Francisco, marami raw siyang nakasa­lamu­hang Pinoy sa Sanfo dahil pagkata­pos ng kanyang practice na binuk­san para sa publiko ay nakipagku­wen­tuhan siya sa ating mga kaba­bayan.

“Masasaya kami dun, pupunta raw sila sa Las Vegas sa laban ko kay Marquez, yung iba nga sa kanila, nakapanood na ng mga naka­raang laban ko. Mababait sila, mara­ming nagbigay sa akin ng rosaryo,” kuwento ni Pacman.

Nung Sabado rin nang gabi ay umalis na ang kanyang kaibigan at exclusive agent na si Jayke Joson, dala-dala na nito ang kanyang mga kagamitan, si Jayke ang maydala ng shorts na gagamitin niya sa laban pati na ang kanyang boxing shoes na ipinasadya pa niya dito sa atin.

“Diyan lahat manggagaling ang mga isusuot ko, mas kumportable ako kapag diyan gawa ang shorts at shoes ko, parang feeling ko, mabilis kong mapapatumba ang kalaban ko.

“This week, mas matindi na ang practice ko, March 15 na kasi ang laban, kailangang nakakun­disyon na ako,” sabi uli ni Manny.

Tumahimik na ang kampo ng mag-asawang nagla­bas ng malaking halaga ng deposito niya sa Wells Fargo Bank, humingi na raw ng sorry ang mga ito sa kanya, hindi tulad noon na meron pang planong magpa-interview ang pamilya ng mga ito sa Pilipinas.

JAYKE JOSON

NIYA

SHY

SIYA

SIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with