^

PSN Showbiz

Dehado ba sa hatian ng TF ang PDA 6?

SHOWBIZ MISMO! - Cristy Fermin -
Umaksyon na ang Dream Big Productions tungkol sa mga isyung pinagpipistahan ngayon dito na kinasasangkutan ng kanilang mga alaga.

Nung isang araw ay nagpalabas na ng opisyal na pahayag ang produksyon sa pamamagitan ng kanilang managing director na si Jon Ilagan, pinatawan na nila ng parusa ang mga miyembro ng Top 6 ng Pinoy Dream Academy na napatunayan nilang nagkamali, sinabi nito na hindi nila kukunsintihin ang kanilang mga talents kung totoong nakagawa ng palso.

Nag-imbestiga ang produksyon, sila mismo ang nakapagpatunay na totoong lumampas sa nararapat lang ang kanilang mga alaga, tinapatan ng Dream Big Productions yun ng parusa.
* * *
Sa tinirahan nilang hotel sa San Diego ay hindi nagsisimula at nagtatapos ang kwento sa paggawa nila ng ashtray sa carpeted na sahig ng Miraman Inn na nasa loob ng isang military base.

Meron pang isang babaeng myembro ng Top 6 na nakabasag ng ilang mamahaling kagamitan sa isang non-smoking room dahil sa sobrang kalasingan nito.

Kasangkot din sa isyu ang pagpapalitan nila ng hotel rooms, dun ipinanganak ang kwento tungkol sa relasyon ngayon nina Jay-R Siaboc at Irish Fullerton at Panky Trinidad at Chad Peralta, sina Yeng Constantino at Ronnie Liang lang ang mga myembrong nakasalba sa naturang pangyayari.

Dahil bago pa lang ang kanilang mga relasyon ay dinaig ng kanilang emosyon ang obligasyong magtrabaho. Binigyan nila ng sakit ng ulo ang mga namamahala sa kanila. Kaya tinawag silang mga pasaway.
* * *
Pero meron pang kailangang bigyan ng pansin ngayon ang Dream Big Productions, nararapat din nilang bigyan ng katugunan ang mga reklamong pabulong nang pinag-uusapan ngayon, ang pinakabuod ng isyu ay ang talent fee ng kanilang mga talents.

Ito ang mga tanong na kailangan nilang sagutin ngayon, gaano katotoo na hindi makatarungan ang pinaiiral nilang hatian sa kinikita ng Top 6, lumalabas na dehado ang kanilang mga talents sa aspeto ng talent fee, hindi namin pinaniniwalaan na 90-10 ang kanilang hatian, pero balitang napakalaki talaga ng cut na pinaiiral ng pro duksyon.

Ikalawa, totoo bang hindi man lang nakikita ng kanilang mga talents ang pinapasukang kontrata ng Dream Big Productions, totoo bang kung ano na lang ang kanilang sabihin ay sunud-sunuran na lang ang mga myembro ng Top 6, hindi kaya maaaring ipakita ng produksyon ang kopya ng kontrata sa kanilang mga talents para matuldukan na ang kwento ng pagdududa sa kanila?

Anumang reaksyon ay merong pinanggagalingan, bakit nga ba naging pasaway at rebelde ang mga talents ng produksyong ito, hindi kaya ang mga dahilan ay ang mga tagapamuno rin ng produksyon ang kailangang managot?
* * *
Bibigyan pa raw ng ikalawang pagkakataon sina Jay-R Siaboc at Panky Trinidad, hihingi raw ng paumanhin ang dalawa tungkol sa kanilang mga pagkakamali, kailangan daw ganun ang mangyari dahil malapit nang ilunsad ang bagong album ni Jay-R sa Star Records.

Kung bibigyan pa ng pagkakataon ang dalawa at ano naman ang naghihintay na kapalaran para kina Irish at Chad, ibabad na ba sa malamig na yelo ng kawalan ng career ang dalawang ito, hanggang kailan naman kaya sila maghihintay?

Sumobra ba ang talas ng dila ng magkarelasyong ito nung magkaroon sila ng komprontasyon sa Amerika, masyado bang nasaktan ang managing director ng Dream Big Productions sa kanilang mga sinabi, kaya ang naging katapat nun ay ang pambuburo sa kanilang umuusbong pa lang na career?

CHAD PERALTA

DREAM ACADEMY

DREAM BIG PRODUCTIONS

IRISH FULLERTON

JAY-R SIABOC

KANILANG

PANKY TRINIDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with