^

PSN Showbiz

Heart, perfect sa role ng politician’s wife kesa sa napaka-batang si Kim Chui

- Veronica R. Samio -
Marahil kung hindi lamang sa sobra niyang kabataan ay baka naku ha si Kim Chiu para sa role ng first lady ng Taguig, wife to Mayor Freddie Tinga whose love story ang tampok bukas ng gabi sa Maalaala Mo Kaya ng ABS CBN.

Pero, tumanggi si Kaye Tinga dahil aniya ay magmumukha siyang child bride kaya ang napili ay si Heart Evangelista na perfect for the role at makaka-relate pa rin ito sa kanilang istorya dahil katulad nila ni Mayor Freddie ay hindi pa nabibigyan ang relasyon nina Heart at Jericho Rosales ng basbas ng mga magulang ng aktres. Tinutulan din nun ang relasyon nina Kaye At Mayor Freddie dahil purong Intsik si Kaye at Pilipino naman si Mayor Freddie.

Ang Kaye and Freddie Tinga Story ay isang kwento ng pag-ibig, walang halong pulitika, na pinayagan ng mag-asawang maisalin sa TV dahil hindi nila mapahindian si Charo Santos Concio, host ng MMK at isang bossing sa ABS CBN. Panoorin bukas, 10NG sa Ch. 2.
* * *
Bukas na ang repeat ng Vina Morales: Showgirl sa Araneta Coliseum. Sa kabila ng kahusayan niyang mag-perform at sa kakayahan niyang magdala ng malaking audience sa nasabing venue, napakaraming guests ni Vina, Ogie Alcasid, Aiai delas Alas, Shaina Magdayao, Jay R Siaboc ng PDA, G Force Dancers at XJV International Performing Artists. Para sa detalye, tumawag sa 9115555.
* * *
May isinasagawang Search for the 2007 Princess of Storybook Land ang Star Ace Marketing Publicity & production Services (STAMPPS) na bukas sa mga batang babae na may edad 7-12 years old.

Mag-submit lang ng 1 close up at full body shot photos, resume, letter of consent from parents at photocopy ng birth certificate. Malalaman ang detalye sa 4383560.
* * *
Muli ipinamalas nina Richard Gutierrez at Angel Locsin ang kanilang lakas bilang isang tandem dahil ang The Promise ng GMA Films at Regal Films ay kumita ng l0.6M sa unang araw ng pagpapalabas nito.

Bagay ang materyal na kanilang ginawa, ibang-iba sa kanilang mga pelikulang nagawa na.

Dahil sa tagaumpay ng The Promise, pinag-uusapan na ng GMA at Regal ang kanilang susunod na proyekto. Kabilang ang pelikula nina Ångel at Robin Padilla at ang proyekto para kay Sharon Cuneta.
* * *
[email protected]

vuukle comment

ANG KAYE AND FREDDIE TINGA STORY

ANGEL LOCSIN

ARANETA COLISEUM

CENTER

CHARO SANTOS CONCIO

G FORCE DANCERS

HEART EVANGELISTA

MAYOR FREDDIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with