^

PSN Showbiz

Richard, gustong maging action star

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Kahit nanggaling sa pamilya ng mga pulitiko ay never na pinangarap ni Richard Gutierrez na pumasok sa pulitika kahit may nag-o-offer sa kanya na tumakbo sa kahit anong posisyon sa Cebu.

"Gusto kong mag-concentrate sa showbiz, maging isang direktor at magbalik-eskwela balang araw. Gusto ko ring magdirek ng sarili kong movie at maging isang action star. Kung gagawa ako ng pelikula, gusto kong maaksyong pelikula para magamit ko ang mga natutunang martial arts," aniya.

Noong 15 years old lang si Richard, sumali ito sa karate kung saan miyembro siya ng isang international team sa Amerika na sumasabak sa martial arts competition.

Ngayong Pasko, magtutulog lang siya sa bahay pero tutulong sa promosyon ng Mano Po 5 katambal si Angel Locsin.

"Enjoy ako at masaya kapag kasama ko si Angel sa pelikula. Hindi kami nagkakailangan kahit meron kaming kissing scenes. Maalaga rin si Angel kapag magkasama kami sa set," dagdag pa nito.
Ic, Mas Type Ang Older Papa
Very vocal sa pagsasabi si IC Mendoza na nanghahada naman siya at ang pinakamalaki nitong naibayad ay P3,000. Naging crush nito noong una si Dennis Trillo at ngayon naman ay si Sergio na kasama niya sa Shake, Rattle and Roll 8.

Mas type ni IC ang older men dahil siguro kulang sa pagmamahal ng ama. Hanga rin siya kay Cesar Montano na ideal maging Papa kaya lang may pamilya na.

Banidosa si IC kaysa sa Mommy niyang si Dolly Ann dahil weekly kung magpa-body scrub ito kay Dra. Vicki Belo at regular magpa-facial.

Nag-enjoy siya sa syuting ng SRR 8 dahil puro guwapong mga kalalakihang artista ang mga kasama pero never siyang nag-uwi ng Papa sa kanilang bahay. Masinop naman ito sa pera kung saan ang kinikita ay naka-time deposit. Maganda ang karma ni IC dahil mapagmahal ito sa kanyang mommy at nasabi minsan na magiging tunay na lalaki siya kapag naapi ang madir.
Iba Na Si Charming
Malaki ang naitulong ng Bakekang sa career ng batang si Eunice Lagusad. Dito niya naipamalas ang kakayahan sa pag-arte bilang si Charming. Ngayon kahit saan siya pumunta ay pinagkakaguluhan na siya ng mga tao at tinatawag na Charming.

Kahit sa GMA compound nang minsang makita ko ay may nagpapa-autograph na sa kanya. Dahil sa potensyal sa akting ay bibigyan na ito ng sariling soap opera.

ANGEL LOCSIN

CESAR MONTANO

DENNIS TRILLO

DOLLY ANN

EUNICE LAGUSAD

IBA NA SI CHARMING

KAHIT

MANO PO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with